^

Pang Movies

Mga hubarang pelikula, babaguhin na ang atake!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa

Magbabalik na nga ba tayo sa mga nauso noong ST movies? Parang umuulit lang ang trend.

Noong early ‘80s, nauso ang mga pelikulang Pene ibig sabhin ang mga “penekula” ay nagpapakita ng actual penetration. Pero hindi iyan ang nauna, noong early ‘70s, nauso ang mga pelikulang bomba, na talaga namang soft porno na.

Nakalusot kasi noon ang dalawang pelikulang Ingles na mahalay, ang Marsha at Language of Love na bagama’t sinasabing for adults, pinipilahan maging ng mga kabataan. Tapos may gumawa na ng Tagalog, ang Uhaw, na siyang nagpasikat kay Merle Fernandez. Nasundan iyon ng marami pang bomba films.

Si Lito Legaspi gumawa rin ng bomba noong araw. Huwag na nating banggitin lahat dahil tiyak na may magagalit kung sasabihing sila ay gumawa rin ng bomba pictures. Nang magkahigpitan, gumawa naman sila ng sex comedies, doon naman nalinya sina Ricky Belmonte at iba pa.

Noon ngang ‘80s pumasok ang pene, at noong lumipas iyon, ang mga lalaki naman ang kanilang pinag-sexy sa ST Films. Bagama’t sikat na sikat noon ang tinawag na ST Queen na si Gretchen Barretto, mas na-build up ang male sexy stars.

Ngayon bumabalik lang ang trend. Nagkaroon ng pandemic, sarado ang mga sinehan. Gumawa sila ng pelikula sa internet. na wala namang ipinagkaiba sa Bomba at sa Pene, pero ang tawag nila pang-Vivamax.

Pero lately parang nababawasan ang kahalayan dahil baka nga kung lumabas na wala na silang control mananagot sila sa MTRCB.

Actually sinimulan na iyan ng Viva, noong ipakilala nila si Marco Gumabao. Medyo disente pa at hindi napaghubad nang todo, kaya naghanap sila ng kahit na hindi naman mukhang artista, basta malakas ang loob na maghubad at magbuyangyang ng ari ayos, pero kulang din sila sa buildup kaya hindi sumikat ang mga iyon gaya ng male ST stars ng Seiko noong araw.

Kasi ang ginagawa naman nila ngayon puro low budget na indie, pitong araw sino-shoot at  basta naghuhubad na lang ang mga artista.

Ang sabi, papasok na rin sa sexy roles maging ang mga matinee idol na sina Enrique Gil at Joshua Garcia.

Kung totoo marami ang manghihinayang pero maganda iyan para mawala na sa pelikula iyong mga hindi naman totoong mga artista, hindi naman marunong umarte at hindi rin mukhang artista.

Gagampanan daw ni Enrique ang role ng isang bold star, at si Joshua naman, wala pang sinasabi.

Well, tingnan natin kung matutuloy ‘yan at pag-iinteresang panoorin.

Male starlet, kinatatakutan ang pagkalat ng kahalayan

Talagang iniiwasan na ng isang male starlet ang isa niyang dating showbiz friend. Kasi marami na siyang kakilala ngayon na nagbabayad ng mas malaki kung makikipag-date siya sa mga iyon kaysa sa kaibigan niya. Isa pa med­yo takot siya sa friend niya na hindi pala tumupad sa usapan na ide-delete ang pictures at video na nagse-sex silang dalawa.

Marami rin siyang nude pictures na nakunan nun. Hindi naman siya makapalag dahil lalong kakalat ang kanyang scandal.

vuukle comment

RICKY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with