^

Pang Movies

Sexy star, high class pokpok ang peg sa mga party ng mayayaman!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve Asis - Pang-masa

High class prosti pala ang image ng isang sexy star.

Recently lang nga ay spotted ito sa party ng high society members / billionaire.

Rubbing shoulders daw ito sa mga nasa mataas na antas ng lipunan, mga taong mahalaga at sikat sa bansa.

Pero hindi lang basta banggaang siko o balikat ang agenda ng sexy star sa pinupuntahang party, may mas bongga pa ru’n.

Pag-enter daw nito sa venue natural titingnan siya ng mga andun. Super plunging / low-cut neckline raw ang suot nito na pang-itaas at walang bra.

So ang tendency  luluwa na ang boobs nitong si sexy star.

Pero kahit labas na raw ang boobs nito tuwing mahuhulog ang strap ng top, walang care si sexy star.

Actually, ‘yung ibang guest daw sa nasabing party ang mas nagiging uneasy dahil nga naka-display na ang boobsie nito.

Hanggang may isang hindi na raw nakatiis. Nilapitan si sexy star at sinabing “excuse me, miss,” para nga i-advice na nalaglag na sa balikat ang strap ng blouse nito.

Pero imbes na ma-appreciate raw ng sexy star ‘yung nag-approach sa kanya, tinaasan pa nito ng kilay sabay sabi na “it’s ok, thanks.”

Whoaaa. So habang nakikipag-socialize raw ito, exposed na pati ang nipple ni sexy star.

Well classy naman si sexy star at edukada. Marunong mag-English kaya rin kayang makipag-sosyalan.

‘Yun nga lang may motibo. Hoping siguro na makakatisod ng bilyonar­yong papa.

 Kaya’t parang minahal na nito ang kanyang trabaho dahil nagkakaroon siya ng chance na makachika at maka-party ang mga high-powered businessman sa bansa.

 bea at dominic,

 ikakasal na!

For real na ang engagement nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Hindi lang para sa GMA Gala Night. Pang-forever.

Kagabi ay sabay silang nag-post sa proposal ng actor sa veteran actress sa Las Casas :

“07.18.23 Sunset

“It was a balmy afternoon in Las Casas. I was there for a shoot, but little did I know that the next thing that would happen would change our lives forever.

“In the middle of the shoot, Mark Nicdao kept telling me to turn around because he wanted to shoot the back side of my dress, I found it a bit odd, but when I turned around, I found Dom kneeling with a box in his hand.

“You see, I have done so many proposal scenes in my entire career, but nothing beats the real thing. I have been doing it all wrong! Hahaha, Dom said his speech, and it’s like time stood still. Everything went in slow motion. And I felt different emotions all at the same time—joy, excitement, love. I started bawling (swipe to see my ugly cry ), But I didn’t want that moment to end. I want this real thing to happen forever… and right then there… In front of the people we love… we decided on forever.. ”

Kabilang naman agad sa nag-congratulate si Heart Evangelista na new BFF ni Bea.

Ivana, gustong masubukan sina Coco, Joshua at KathNiel!

Kung ang ibang celebrity ay pangarap magka-career sa abroad, walang ganung plano si Ivana Alawi.

Thankful siya at aniya ay blessed sa career sa kasalukuyan.

Kahapon nga ay pumirma siya ng bagong kontrata sa ABS-CBN.

February 2020 nang una siyang maging Kapamilya.

Pero biglang nagka-pandemic noon at nawalan ng franchise ang network.

At sa kabila noon nakagawa pa rin siya ng series na aniya ay isa sa pinaka-memorable sa kanya, ang A Family Affair.

Sa pagpirma niya ng panibagong kontrata, mga teleserye at pelikula ang nakalatag niyang gawin.  “I’m doing teleseryes this year and meron ding movies so ‘yun, maraming exciting na projects na parating,” sabi niya pagkatapos ng contract signing.

Pero kung meron man siyang gustong subukang gawin, action and horror.

Kaya ngayon pa lang ay medyo nagdyi-gym na siya. “I want to try action. Yeah, oo, so nag-i-gym gym na ‘ko. I want to do action and horror.”

At sa Kapamilya actors, nabanggit niya rin kong sino ang mga gusto niyang katrabaho. “Si sir Coco Martin. I would really love to work with KathNiel and si Joshua Garcia.”

Kaya bigla siyang biniro ni Robi Domingo, host ng media conference after the contract signing na baka ito na. “Uy,” lang ang sagot ni Ivana sabay tingin kay Robi.

vuukle comment

PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with