^

Pang Movies

Showtime, nag-no. 1?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa

EdIt is now official, ang number one noontime show sa ngayon ay It’s Showtime. Lumabas na ang survey ng AGB Nielsen na noong isang araw, ang Showtime ay umakyat na sa 3.7 percent habang ang Eat Bulaga ay nakakuha lamang ng 3.5% o maliit pa sa kalahati ng ratings ng Darbarkads na noon ay umaabot nang mahigit na 7%. Fist time in four decades na parang dinagukan ang Tape Inc., hindi ang TVJ dahil nangyari nga iyon noong umalis sila kasama ng iba pang Dabarkads. Natunugan iyan ng ibang Dabarkads kaya hindi na sila nagpaiwan, kawawa sila basta sa kanila bumagsak ang show.

Nadagdagan pa iyan nang wala sa ayos na statement ng magkapatid na Jalosjos dahil wala naman silang alam talaga sa show business naging antipatiko sila sa publiko kaya iyong live telecast nila, tinalo pa ng social media live nina Maine Mendoza at Ryan Agoncillo na ang ipinakita naman ay iyon lang kanilang pictorial at lunch sa bagong studio ng TV5. Ano ang inaasahan ninyong mangyayari pagbabalik ng TVJ at ng Dabarkads sa free TV? Eat Bulagta na talaga iyang mga Jalosjos. Ang pinakamagandang damage control na una nilang magagawa, ibigay na nila sa tunay na gumawa iyang Eat Bulaga, tutal napabagsak na nila eh. Ano pa nga ba ang value na napunta sa kanila kung bumagsak na? Nakakahiya pa ngang masabi na nang hawakan nila bumagsak eh.

Direk, muntik malinlang ng male starlet

Akala ni direk, inosente at napaglaruan nga ang isang baguhang male starlet, kaya ang plano niya noong una ay alagaan na sana iyon. Pero hindi pala, dahil ang totoo hustler pala ang bata. Nang makatikim iyon ng mas malaking kita, matapos na maibugaw ng kanyang manager sa mayayamang bakla, hindi na pinansin ng male starlet si direk. After all maski na hindi na siya tulungan ni direk na sumikat bilang artista, kumikita na rin naman siya nang malaki sa mga nakaka-date niyang maya­yamang bading at matrona.

Nang minsan pa nga raw maka-chat iyon ni direk, ang hinihingi sa kanya ay doble ng dati niyang ibinabayad para makipagkita sa kanya. Tumanggi na si direk, na tamang desisyon naman. Eh ano pa nga ba ang hahabulin ni direk sa male starlet eh hindi lamang siya ang naka-date, nakunan pa niya ng maraming picture at nai-video pa ang “vienna sausage” ni male starlet.

vuukle comment

DABARKADS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with