^

Pang Movies

Buboy, gusto agad tsugiin?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi na namin napapanood ang Eat Bulaga, lalo na ngayong buwan na ang taas ng singil ng Meralco. Kaya kung manonood kami ng TV, iyong mahalaga na lang.

Pero tuloy ang kontrobersya sa programa na pinag-aagawan pa rin ang title.

Tulad na ang katulong daw ni Buboy Villar, na si Letlet, sa kanyang paresan, naging contestant at nanalo pa sa EB. Tapos may lumabas na si Buboy raw inaalis na sa show dahil sa bintang na pandaraya.

It may leave a bad taste in the mouth, pero parang walang violation doon si Buboy Villar. Ano rin naman ang malay ninyo kung sinadya iyon para makatipid din sila sa ipinamimigay na premyo?

Ngayon idinagdag pa nila si Isko Moreno bilang host ng kanilang show.

Pero baka naman magamit lang nito ang programa.

Kung sabagay trabaho lang iyan.

Pero hindi hosting ang forte ni Yorme, aywan kung ano ang kalalabasan niyan.

Samantala, mukhang lumalayo sila sa damdamin ng masa, lalo na sa banta ng mga Jalosjos na idedemanda nila basta ginamit ng TVJ at ng TV5 ang Eat Bulaga dahil may papeles daw sila na sila ang may-ari ng trademark na iyon.

Nairehistro kasi nila ang Eat Bulaga noong 2011, kaya lang morally nagsimula ang Eat Bulaga 1979, sino ang nag-imbento ng Eat Bulaga? Bakit nila naangkin noong 2011?

Ano ang mananaig, ang rehistro o ang batas kung sino nakaisip at nag-imbento ng title na iyan?

Legally puwedeng manalo ang mga Jalosjos, pero sa mata ng publiko, mali iyon.

Dahil lang sa isang title sasayangin mo lahat ng naipundar mo? Maaari nilang sabihin, kailangan ilaban nila ang title dahil sa kontrata nila sa GMA 7.

Nagiging issue rin iyong baguhan daw singer na Cebuana, si Carren Eistrup, nag-rehearse na raw sa Eat Bulaga tapos umayaw dahil sa pressure at sumama sa TVJ. Nagsalita na iyong bata mismo walang pressure, gusto lang niyang makasama ang TVJ at iba pang Dabarkads.

Natawa rin kami sa sinasabi nila, sana naman daw masuwelduhan ng Tape si Paolo Contis, at hindi magaya kina Vic Sotto at Joey de Leon na inabot ng milyon ang utang dahil matagal na panahong hindi nila nabayaran, para naman daw si Paolo makapagsustento na sa mga anak niya kay Lian Paz at kay LJ Reyes.

Maraming opinyon na dapat unahin ng TAPE, iyong makuha nila ang simpatiya at mapamahal sila sa publiko, para panoorin ulit ang kanilang programa.

Aljur at AJ, mas swak sa matinding hubaran

May gagawin daw pelikula sina Aljur Abrenica at AJ Raval.

Kung gusto nilang mapansin iyan at kumita dapat siguruhin nilang todo bold ang pelikulang ‘yan tutal matagal na naman silang mag-syota at gumawa na rin naman sila ng bold films.

Hindi iyan kikita kung para lang sa Vivamax, kailangan mas matindi pa. Iyon nga lang, baka naman hindi makalusot sa MTRCB, kung hindi ilalabas na lang nila iyan sa internet at hindi rin naman kikita iyan sa sinehan kaya’t lugi pa sila.

May edad na rin naman si Aljur, ganoon din naman iyang AJ, mag-bold na sila nang todohan.

vuukle comment

AJ

ALJUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with