^

Pang Movies

Robi, pumalit sa trono nina Billy at Luis

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Robi, pumalit sa trono nina Billy at Luis
Robi

Hindi ikinakaila ni Robi Domingo na may kahalong pressure sa kanya ang paghu-host ng local adaption ng reality talent show na Pilipinas Got Talent Season 7 which was previously hosted ng tandem nina Luis Manzano at Billy Crawford, dalawa sa maituturing na mahuhusay and seasoned TV hosts.

Although may ilang taon na ring bahagi si Robi bilang isa sa mga host ng isa pang popular reality talent show, ang Philippine adaption na Pinoy Big Brother edition, Maiqui Pineda’s husband admits na malaking challenge umano ang kanyang kinakaharap along with her host partner na galing din ng PBB na si Melai Cantiveros.

Hindi man natupad ang pangarap ng kanyang pamilya na siya’y maging isang doctor, hindi naman binigo ni Robi ang kanyang ­parents nang ma-develop at makilala siya bilang isa sa mga competent TV hosts.

Tinapos ni Robi ang kanyang pre-med course sa Ateneo de Manila University bago siya inagaw ng showbiz at entertainment business at wala naman umano siyang pinagsisisihan.

Excited na sila ni Melai sa pagsisimula ng PGT

kung saan tatayo pa ring hurado (one of the original judges), ang TV executive na si FMG or Freddie M. Garcia along with new set of judges na kinabibilangan nina Kathryn Bernardo, Donny Pangilinan at ang award-winning actress-comedienne na si Eugene Domingo.

Ito ay magsisimula ngayong March 29 & 30 and every Saturday and Sunday night thereafter.

 Samantala, malaking advantage para kay Robi ang kanyang pagiging mahusay na host sa mga programa ng Kapamilya network laluna ngayon na wala na sa bakuran ng ABS-CBN si Billy Crawford at kandidato naman sa pagka-vice governor ng Batangas ang Kapamilya resident host na si Luis Manzano.

Proposal ni Rayver kay Julie Anne, kinasasabikan ng fans

Matagal-tagal na rin ang relasyon ng mga Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz pero hanggang ngayon ay clueless pa rin ang mga supporter ng dalawa kung kelan magpu-propose ang binata sa kanyang girlfriend lalupa’t tapos na ang bahay na ipinatayo ng nakababatang kapatid ni Rojun Cruz. Pareho na ring nasa tamang edad ang dalawa. Thirty five si Rayver at 30 naman ang singer-actress.

May dalawa nang anak ang nakatatandang kapatid ni Rayver na si Rodjun sa misis nitong actress-host na si Dianne Medina at nakararamdam na rin ng `inggit’ ang singer-dancer-actor.

This year na kaya mangyayari ang much-awaited proposal ni Rayver sa kanyang kasintahan?

Si Rayver ay romantically linked before kina Shaina Magdayao, Sarah Geronimo, Janine Gutierrez maging sa celebrity stylist na si Liz Uy.

ROBI DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with