^

Pang Movies

Ina, ‘di nagpatalo sa sakit   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Ina, �di nagpatalo sa sakit              
Ina

Iba rin ang professionalism at pagmamahal sa trabaho ni Kapuso actress Ina Feleo. Gumaganap siya bilang isang mahusay na coach ng figure ice skating sa first figure ice skating teleserye on GMA Network na Hearts on Ice with Ashley Ortega and Xian Lim.

Nag-post kasi si Ina ng IG story niya noong isang araw na nag-taping siya ng solo dance sequence niya sa serye, at pumunta ang mom niya (director Laurice Guillen) mula sa taping nito sa Pampanga para panoorin ang kanyang eksena shot in Mall of Asia.

 Childhood ambition and dreams pala niyang maging isang figure ice skater kaya araw-araw siyang inihahatid ng daddy niya (Johnny Delgado) sa skating rink. Pero hindi na niya naipagpatuloy ang figure skating dahil na-diagnose siya with disc bulge, na apektado ang kanyang lower back at hindi na siya puwedeng magbuhat at mag-exercise nang mabigat. Pero hindi siya nag-second thought nang i-offer sa kanya ang role.

Kaya nang sabihing magkakaroon siya ng eksenang makakasama si Olympic figure ice skater na si Michael Martinez, hindi siya nagpatalo sa kanyang sakit.

Nu’ng taping day, uminom siya ng painkillers para hindi niya maramdaman ang sakit ng likod niya.

Nangako siyang kapag tapos na ang teleserye ay magpapagaling siya.

Nagpasalamat din si Ina sa viewers dahil gabi-gabi silang nagri-rate, 8:50 p.m. sa GMA 7, after ng Mga Lihim ni Urduja.

Birthday ni Bossing Vic, inaabangan

Maraming viewers ng Eat Bulaga ang naghihintay ng kaganapan bukas, April 28, na birthday ni Vic Sotto.

The past two days kasi ay nagsalita na si former senator Tito Sotto ng mga saloobin niya tungkol sa issues na sinasabing ‘rebranding’ o ‘rebonding’ ng hosts sa iba’t ibang TV stations and programs, isa na rito ay sa Updated with Nelson Canlas na isang tell-all interview about the real situation in Eat Bulaga.

Lumabas din na may utang palang P30 million each ang production kina Vic Sotto at Joey de Leon, dahil hindi sila pinasusuweldo.

Barbie at David, bibida sa panibagong historical series!

Mukhang sabik na sabik na ang followers nina Barbie Forteza at David Licauco na muling mapanood na magkasama sa isang serye ang FiLay/BarDa loveteam.

Sila ang nagtu-tweet at nagpo-post sa kanilang social media accounts ng “Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza is set to star in GMA’s new historical series #PulangAraw, portraying the role of a vaudeville actress, who is a Filipino spy at the same time. Si David naman will play a young Japanese officer. The upcoming historical series is set du­ring the Japanese colonial period in the Philippines.”

Sa pagtatanung-tanong, nalaman naming hindi pa raw kinakausap sina Barbie at David tungkol sa gagawin nilang GMA teleserye, dahil may movie pa silang gagawin na sabi’y magsu-shoot pa ang production sa Vienna, Austria.

vuukle comment

INA FELEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with