^

Pang Movies

Julio Diaz, sumumpang ‘di na babalikan ang droga

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Julio Diaz, sumumpang �di na babalikan ang droga
Julio

Kahit mahigit isang taon pa lamang nakakalaya sa kulungan ang actor na si Julio Diaz na may kinalaman sa droga, unti-unti na itong nakakabangon ngayon sa kanyang karera sa tulong ng kanyang home studio, ang Viva at mga kaibigang sina Coco Martin at Direk Brillante Mendoza at iba pa.

Isinama siya ni Direk Brillante sa pelikulang Apag habang si Coco naman ay isinama ang aktor sa FPJ’s Batang Quiapo. “Kahit nung nakakulong ako (ng 3 years and a half) ay hindi nila ako kinalimutan,” pahayag ni Julio who made a covenant with the Lord na tuluyan na niyang kakalimutan ang masamang bisyo laluna ang droga.

Kamakailan lamang ay binilhan ni Julio ang kanyang kaisa-isang anak na si Ana Kariza (sa kanyang ex-wife na si Maricel) ng isang brand new car at ipinangako nitong unti-unti umano siyang babawi sa kanyang anak.

Kris, iniiwasan ‘pag si Katrina ang usapan

May problema ba sa mag-ex partners na Katrina Halili at Kris Lawrence?

Ayaw kasing magsalita ng singer-songwriter kapag ang mag-inang Katrina at Katie (10) ang pinag-uusapan.

Si Katie ay anak ni Katrina sa Fil-Am singer-songwriter at ang dalawa ay nagkahiwalay nung 2014.

Although hindi masasabing magkaibigan ang dalawa, they try to be civil sa isa’t isa pagdating sa kanilang unica hija.

Fifth, umaasang magiging box-office hit ang sa muli..

Malaki ang future bilang isang writer-director ng ex-PBB housemate na si Fifth Solomon, twin brother ni Fourth Solomon at ng Kapuso singer-comedienne-actress na si Chariz Solomon na produkto rin ng isang reality ta­lent search ng GMA, ang Starstruck: The Next Level.

Si Fifth ang writer-director ng unang tambalan sa pelikula nina Xian Lim at Ryza Cenon na Sa Muli under Viva Films na showing simula ngayong araw ng Miyerkules, April 26, sa mga sinehan nationwide.

Maganda ang pagkaka-connect at pagkakatahi ni Direk Fifth sa tatlong magkakaibang henerasyon ng love story na konektado sa present characters na ginagampanan nina Xian at Ryza – 1900, 1951 at present time.

Although wala pang maituturing na box office hit movie si Direk Fifth, umaasa siya na itong pelikulang  Sa Muli ay papatok nang husto sa mga mano­nood.

Nauna na niyang idinirek ang mga pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka in 2018, The Exorsis at Dulo nung nakaraang taon at itong Sa Muli ngayon 2023.

Marco, dedma sa nakaraan ni Cristine

Anim na taon ang agwat ng edad nina Marco Gumabao at Cristine Reyes.  The Viva actor ay 28 habang 34 naman ang kanyang kapwa Viva actor na si Cristine na matagal nang hiwalay sa kanyang asawa, ang mixed martial artist at actor na si Ali Khatibi, ama ng kanyang  eight-year-old daughter  na si Amarah.

May suspetsa kami, Salve A. na nagsimulang magkamabutihan ang dalawa nang sila’y magsama sa pelikulang Martyr or Murderer na dinirek ni Daryl Yap under Viva Films na ipinalabas sa mga sinehan nung nakaraang Marso.

Hindi issue kay Marco ang pagiging hiwalay sa asawa ni Cristine at pagkakaroon nito ng isang anak, ang mahalaga ay pareho silang nagkakaintindihan at nagmamahalan.

Parehong busy ngayon sina Marco at Cristine sa kanilang respective careers.

Si Marco ay napapanood ngayon sa isang weekly sitcom na Kurdapya on TV5.

Sa part naman ni Cristine ay may romantic-comedy movie silang gagawin ni Empoy Marquez and another movie with Baron Geisler.

vuukle comment

JULIO DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with