^

Pang Movies

Ivana, mas naunang namigay ng P1 million

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ivana, mas naunang namigay ng P1 million
Ivana and Fam

Hindi-hindi makakalimutan ni Gng. Meriam Celis, ang butihing ina ng actress-comedienne na si Kiray Celis (Johanna Ismael Celis) nang hindi nito inaasahang makatanggap ng surprise gift galing sa kanyang breadwinner na anak, isang milyong cold cash on her recent birthday.

Alam ni Kiray na kailangang-kailangan ng kanyang parents ang pera para ipagpatuloy ang improvement ng kanilang bahay kaya ito ang kanilang pinag-ipunang ibigay na kanyang itinaon sa kaarawan ng ina.

Ang isa pang successful vlogger ay ang sexy actress na si Ivana Alawi na nagbigay rin ng P1 M on her birthday sa pamamagitan ng pagsabit ng mara­ming P1 thousand bill sa isang grape farm in Batangas.

Kiray was still very young nang siya’y magsimula sa showbiz.

Naging bahagi siya ng kiddie gag show na Goin’ Bulilit na siya ring pinagmulan ng iba pang successful personalities ngayon tulad nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Nash Aguas, Alexa Ilacad at marami pang iba.

Siya’y dating contract artist ng Star Magic ng ABS-CBN bago siya lumipat sa pangangalaga ng Kapuso Network.

Hindi ikinakaila ng 27-year-old actress-comedienne at vlogger na bukod sa kanyang kinikita sa kanyang acting job, the bulk ng kanyang income ay nagmumula sa kanyang pagiging isang successful vlogger.

Chavit, inisnab ang kasal nina Lee Seung-Gi at Lee Da-In

Personal na inamin sa amin ng rich & famous businessman at dating politician na si G. Luis `Chavit’ Singson na imbitado umano siya sa recent grand wedding ng popular Korean personalities na sina Lee Seung-gi at Lee Da-in na ginanap sa Grand International Seoul Parnas Hotel in Gangnam nung nakaraang April 7 (Good Friday) na dinaluhan ng maraming kilalang personalities in South Korea sa pangunguna nina Lee Dong-wook, Jay Park at marami pang iba.

Sa halip na magtungo ng South Korea where he runs his own business in Gangnam bilang bahagi ng kanyang LCS Group Korea, Inc. na pinamumunuan ng kanyang CEO na si Jack (Hunsoo Noh) ay sa kanyang mansion sa Narvacan, Ilocos Sur siya namalagi with some of his guests (from South Korea).

Si Lee Seung-gi ay naging special guest ni former Vigan governor Chavit Singson last February sa kanyang Narvacan mansion housed in his 7-hectare property sa nasabing town.

Si Manong Chavit din ang nagdala sa bansa sa mga kilalang K-Pop groups na Momoland at Lapillus na sobra ring nag-enjoy sa pamamasyal sa Baluarte in Vigan, Ilocos Sur kung saan may sariling hotel & villas, zoo at Safari Gallery ang negosyante at dating politician.

Unknown to many, sina Manong Chavit, Jack at ang ABS-CBN ay nagtulung-tulong para sa recent talent reality show na Dream Maker hosted by Kim Chiu and Ryan Bang kung saan ang pitong nanalo ay sasailalim ng rigid training in South Korea (ala K-Pop group) and will be marketed internationally tulad ng Korean superstars, ang BTS.

vuukle comment

KIRAY CELIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with