^

Pang Movies

Bela, mas gusto pa ring maging aktres

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bela, mas gusto pa ring maging aktres
Bela

Ipinarating namin kay Bela Padilla that now she sounds more of a director rather as an actress dahil iba na magsalita at magkuwento ang actress-director ng Viva Films movie na Yung Libro sa Napanood Ko. Nagpasalamat si Bela sa binanggit namin, pero para sa kanya, she’s still more of an actress than a director.

Nagpasalamat lang siya sa Viva Films for trusting her with two movies na kahit hindi iiwan ang pag-arte, she’s looking forward to direct more films in the future.

 Bela was also given a free hand by Viva Films to choose her cast, kaya si Lorna Tolentino ang first choice niya sa role ng nanay niya sa Yung Libro sa Napanood Ko.

Siya rin ang pumili sa leading man niyang si Yoo Min-gon sa tulong ng ilang kaibigan. Ang top requirement kasi ni Bela sa karakter ng lead actor ay marunong mag-Ingles dahil 80 percent ng dialogue ng movie ay sa English.

Sabi rin niya, wala siyang hugot sa katawan at sa kanyang mga pelikula lang siya maraming hugot.

Magiging panghatak pa ng pelikula, lalo na sa fans ng Rivermaya ang theme song na kinanta ng banda na bagay sa mood ng movie.

Samantala, may short comment si Bela sa controversy sa kanya na dala ng tweet ng isang fans na binastos siya sa Twitter at kung anu-ano ang sinabi laban sa kanya. “Be careful! Laganap ang flagship ngayon. I’m happy nag-apologize siya and I’m okay with that,” sabi ni Bela.

Ashley, inamin ang nakaraan nila ni Juancho!

Ang daming napapaamin ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda at isa na si Hearts on Ice lead actress Ashley Ortega na naging ex niya si Juancho Triviño. Ayon pa kay Ashley, first love at first boyfriend niya ito and in fairness, naitago nila ang kanilang relasyon dahil kung may nakaalam man, ang close circle of friends lang nila.

Kung hindi pa nga inamin ni Ashley ang past relationship nila, hindi pa malalaman ng marami. Matagal na ang relasyong ‘yun, may asawa at magdadalawa na ang anak nina Juancho at Joyce Pring.

Si Ashley naman ay nagka-boyfriend na mayor at tuloy ang showbiz career at pag-abot sa kanyang mga pangarap.

Nadine, kinaawaan

Sabi ng JaDine fans, may something na kina James Reid at Isssa Pressman kahit noong sina James at Nadine Lustre pa. May mga naglabasang photos pa nga na nag-kiss sina James at Issa sa isang event na present din si Nadine, kaya naawa ang fans kay Nadine.

Kung dati, tsismis lang ang tawag ni James sa isyu sa kanila, ngayon, nag-iba na ang kanyang tono. Indirectly inamin nitong sila na ni Issa. Kaya lang, may reaction ang JaDine fans sa sinabi niya na “All you need to know from me is that im the happiest I’ve ever been.”

Sinabi rin daw ni James ito sa simula pa lang ng relasyon nila ni Nadine. Para raw copy and paste lang ang kanyang ginawa.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with