^

Pang Movies

Maegan, humihingi ng tulong pampaopera!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Maegan, humihingi ng tulong pampaopera!               
Maegan

Nagulat kami sa kuwentong ang singer daw na si Maegan Aguilar ay pumila nang halos maghapon sa isang radio station para kinabukasan ay makahingi ng tulong sa isang public service program. Siya ay may goiter na siyang dahilan kung bakit siya nangangayayat. Malnourished na raw ito dahil doon. Kailangan niyang sumailalim sa isang medical procedure, o maoperahan para mailagay sa ayos ang kanyang kalusugan. Ang problema, wala siyang pera.

Iisipin ng kahit na sinong makakarinig, wala siyang perang pampagamot? Inamin niya na nalugi ang kanyang itinatag na negosyo kasama ang kanyang asawa. Nawalan din siya ng trabaho sa isang call center noong magkaroon ng lockdown. Hirap naman siguro siyang kumanta dahil sa kanyang goiter. Inamin din niya ang conflict nila ng kanyang amang si Ka Freddie, kaya kailangan na niyang humingi ng tulong sa lahat sa pamamagitan ng radio para makapagpagamot.

Noon naman daw inatake siya sa puso at naospital, at odds man silang magtatay ay binayaran ni Ka Freddie ang lahat ng gastos niya sa ospital at sa gamot. Pero siguro naiintindihan naman nito na may ibang asawa na ang tatay niya, at hindi na rin naman ganoon kalakas ang musika noon, dahil tumatanda na rin naman si Ka Freddie. Iyon naman palang nanay niya, may asawa na ring iba ngayon. Kawawang sitwasyon iyan ng isang Filipino artist. Ni walang pampagamot, samantalang ang mga Pinoy bumabayad ng libu-libo para mapanood lamang ang mga Koreano na dumadayo dito sa atin para mag-concert.

Parang maliwanag na ngang namamatay na rin ang industriya ng musika sa ating bansa. Ano nga ba ang tunay na problema?

Alice, masyadong malaki ang age gap sa anak

Aliw si Alice Dixson na ipinakikita na ngayon ang kanyang two year old baby, na hindi naman niya itinatangging naisilang sa pamamagitan ng “surrogacy.” Ibig sabihin ay anak niya dahil sa kanya kinuha ang binhi ng bata, pero ipinagbuntis iyon at isinilang ng ibang babae. Ginagawa iyan kung sa tingin nila ay medyo lampas na ang isang babae sa edad na maaari pa siyang magbuntis at manganak. Siya ay 54 na ngayon.

Inaamin niya na para sa kanya ay mahalaga ang maging isang ina, kaya ginawa niya ang lahat ng paraan na magkaroon siya ng sarili niyang anak, iyong masasabi naman niyang sa kanya mismo nagmula, kahit na nga hindi siya ang nanganak. Ok nga ang ganyang paraan, pero ang tanong masusubaybayan pa nga ba niya ang kanyang anak hanggang sa paglaki noon? Ang isang babae, sinasabi nga nila, ay mas kailangang gabayan ng kanyang mga magulang pagpasok niya sa teenage years. Ibig sabihin pagdating ni Aura sa edad na 14, ay magi­ging 66 years old na siya. Masyado nang malaki ang kanilang age gap.

Habang siya ay nag-aalaga pa rin ng kanyang anak, ang ibang mga kaibigan siguro niya ay nag-aalaga na ng kanilang mga apo. Hindi naman siguro problema iyan, pero parang isang mahirap na sitwasyon na nga.

Sana nagka-baby na siya noong mas bata pa siya hindi ba?

Female personality, binuhay ang mga atraso sa mga nakabangga noon

Mukhang hindi pa matitigil ang bashing sa isang female personality. Patuloy pa rin ang bashing at inilalabas pa ng mga nakabangga niya noong araw ang lahat ng iba pang naging atraso niya. Humingi na siya ng public apology pero mukhang hindi rin iyon naging katanggap-tanggap sa publiko.

Ano kaya ang gusto nila, magpunta siya sa Barrio Cutud sa San Fernando, Pampanga at sumama siya sa mga nagpepenitensiya roon para mapatunayan na ngang sorry siya sa kanyang mga nagawa?

MAEGAN AGUILAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with