^

Pang Movies

John, ayaw nang tulungan ng kapwa artista?!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
John, ayaw nang tulungan ng kapwa artista?!           
John

Punung-puno ng paghihinanakit si John Regala matapos siyang humingi ng tulong sa kanyang mga dating kaibigan at kasamahan sa industriya dahil kailangan diumano siyang magpaopera, pero parang walang pumansin sa kanyang panawagan. “Ngayon ko nakita at napatunayan na wala kayong pagmamahal sa akin,” sabi niya.

Nauna riyan, sinabi niya sa kanyang panawagan na bilang isang artista ay marami naman daw siyang naitulong din sa industriya at sinabi niyang dahil doon dapat naman daw siyang bigyan kahit na respeto lang at tulungan sa kanyang pangangailangan. Pero tila wala pa ring pumansin sa kanyang sinabi.

May mga nagsasabi naman na nakakatakot na rin kasing tulungan si John. Kung natatandaan ninyo, bago iyong lockdown, sinasabing si John ay nag-collapse sa harapan ng isang grocery sa Cavite ba iyon? At pagkatapos noon mabilis na kumilos ang mga dati niyang kasamahan sa That’s Entertainment na sina Nadia Montenegro at Chuckie Dreyfus, kasama ang kolumnistang si Aster Amoyo. Inabot ng lockdown, at alam naman ninyo ang hirap ng ospital noong panahong iyon, pero iginapang nila ang pagpapagamot ni John. Nakapanghingi naman sila ng tulong sa mga kaibigan at iba pa.

Pero noong medyo magaling na si John ay nagkaroon sila ng problema. Hindi raw maliwanag kung papaano ginastos ang donasyon, sabi ni John. May ospital daw na mas makakatipid sana, pero ipinasok siya sa isang ospital na malaki ang gastos.

Ang ginawa naman nina Nadia, Chuckie at Tita Aster, gumawa ng kuwenta ng mga nagastos sa pagpapagamot ni John, gumawa rin ng listahan ng mga nakuha nilang donasyon, at ang natitirang pera ay ibinigay nila sa asawa ni John noon, sabay sabing tinatapos na nila kung ano man ang pagtulong nila kay John.

Ngayon panibagong problema na naman ito, pero hindi kaya natakot na ang iba pang makakatulong sana dahil sa nangyari?

Mccoy at Elisse, pinagsawaan na ang paulit-ulit na hiwalayan at balikan       

Sa totoo lang, nakakasawa na iyang mga balita sa relasyon nina McCoy de Leon at Elisse Joson. Parang wala nang masyadong nag-react, wala nang kinilig nang may mag-post na nakita na naman silang magkasama, dala pa ang kanilang anak na si Felize

Kasi naman, nauna riyan ay pareho silang nagsabi na mahirap na silang magkasundo dahil sa maraming “problema.” Ngayon sinasabing magkasama na naman sila.

Ano na naman ang kasunod? Kailan ang hiwalayan ulit?

Pero siguro nga ganoon talaga ang buhay, masyado kasi silang mga bata pa nang mapasok sa ganyang relasyon.

Madyo magulo pa ang takbo ng mga isip ng mga iyan kaya nga napakahirap nang sabayan ang kanilang mga issue.

TH actor, naka-freezer ang pelikulang ginawa

Bagama’t maliwanag na ngang may mga pelikulang hindi na maipalabas sa sinehan dahil ang palagay ng mga sinehan ay hindi naman kikita, ibinenta na iyon “straight to TV” kaysa naman matengga lang at tuluyang malugi ang producers.

Iyong isang male star na may ganoong pelikula, in denial pa. Sinasabing ibinenta raw pero ipapalabas lang matapos ipalabas sa sine. Pero ilang taon na nga walang makuhang petsa sa sinehan. Siyempre masakit iyon para sa male star, dahil lumalabas na talagang wala na siyang box-office potential at sa totoo lang hindi siya sumikat.

Eh ano ang magagawa mo kung sa kabila ng lahat ng pagta-trying hard hindi ka pa rin sumikat?

vuukle comment

JOHN REGALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with