^

Pang Movies

Kim at Jerald, may katuturan ang ginawa  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kim at Jerald, may katuturan ang ginawa         
Jerald at Kim

Noong una, tinatanong din namin kung ano ibig sabihin noong “Girlfriend Na Puwede Na.” Parang sinasabi mo kasi na hindi siya ang ideal girlfriend, pero puwede nang pagtiyagaan.

Napanood namin ang pelikula na pinagbibidahan nina Kim Molina at Jerald Napoles noong magkaroon sila ng premiere.

In fairness, hindi siya naman slapstick comedy. Isa itong come­dy na ginamitan ng utak. Totoo, may mga salitang nagamit na siguro nga hindi dapat marinig ng mga bata, pero R-13 naman ang classification nito.

Isa pa, iyong mga salita namang ginamit bukambibig na iyan ng mga tao. Maaaring bastos sa pandinig ng iba, pero karaniwan na.

Ang nakita namin sa pelikula ay hindi iyong kanilang pagpapatawa kundi isang love story. Tungkol iyon sa isang girlfriend na frustrated dahil parang balewala siya sa kanyang poging boyfriend, at naisipan nga niyang magbayad ng tao na magagamit niya para pagselosin iyon. Nang magselos ang tunay na boyfriend at alukin na siya ng kasal, na-realize niya na mas tama ang sinasabi ng kanyang hindi totoong boyfriend, na pinahalagahan siya sa panahon ng kanilang pagsasama. In the end siyempre nanaig iyong tama.

Para iyan iyong sinasabi noon pa ni Andrew E., “kung gusto mong lumigaya sa iyong buhay, humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay.”

Sa kabuuan, may katuturan ang Girlfriend Na Pwede Na. Hindi siya iyong comedy na basta makapagpatawa lang at hindi na pinag-iisipan.

Celeste, ‘di naging paborito ng mga eksperto

Hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin ang talunang Miss Universe Philippines, ang Filipino-Italian na si Celeste Cortesi. Pinag-uusapan ang sinasabing pag-iyak niya matapos na matalo. May kuwento rin na iniwan siya ng organizers na hindi na mahagilap matapos na matalo rin siya.

Siguro nagkaroon din naman sila ng ilang pagkakamali, pero hindi naman masasabing kasalanan nila na natalo si Cortesi. Mukha naman talagang sa simula pa lang ay mahina na ang kanyang dating. Wala siya sa listahan ng easy favorites ng mga eksperto sa pageant. Siyempre kung ang maririnig mo ay mga Pinoy, akala mo talagang parang Darna na superhero na tatalunin niya ng ganoon lang ang mga kalaban.

Talaga namang ganyan, hindi laging ang nakakapa sa dagat ay isang talabang may perlas, kung minsan ang nakukuha mo ay tahong lang.

Tanggapin na natin ang katotohanan na talo ang kinatawan ng Pilipinas, pero hindi ibig sabihin niyan talo ang mga Pilipino, dahil gaya lang ni Cortesi na half Filipino lang naman, ang Miss Universe na si R’Bonney Gabriel ay half Filipino rin.

Mga rumaraket sa mayayamang bading, sa abroad na ulit nanghahagip

Dahil maluwag na ang pagbiyahe sa ibang bansa, iyong mga “nagsa-sideline nang big time,” mga nakabingwit ng mayayamang bading, aba eh sa abroad na ulit ang kanilang date. Hindi gaya noong araw na lockdown kasi, kaya nagkakasya na lang sila sa “car fun,” sa paikut-ikot na sasakyan sa isang commercial district.

Pero delikado pa rin ‘yan dahil laganap pa rin ang COVID lalo na sa China at Hong Kong. Mababa kasi ang bilang ng mga bakunado roon, ayaw nila ng Sinovac. Naghahanap sila ng American brand. Hindi gaya dito sa atin na sinaksakan tayo nang sinaksakan ng Sinovac, na tinatanggihan pala ng mga Tsino.

vuukle comment

KIM MOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with