^

Pang Movies

Sofia at Allen, nag-trending!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sofia at Allen, nag-trending!
Allen at Sofia

Maganda ang mga comment ng netizens at nag-trending ang mga eksena ng Team Jolly and Sparkada members na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa pagsisimula pa lamang ng first primetime offering ng GMA Network for 2023, ang  LUV IS: Caught In His Arms.

“Marami pong salamat, GMA, na pinagkatiwalaan ninyo kami ni Allen for this project,” sabi ni Sofia. “Ang saya-saya namin and we hope makapagpakilig po kami. Ako po, on my part bilang paghahanda personally, nag-aral po ako talagang magluto, online, kasi as Florence, magaling siyang magluto. Gusto kong ibigay ang best ko kaya ‘yung cooking scenes ko rito, ako po talaga yun.”

Sabi naman ni Allen : “Ibinigay ko po ang lahat dito, kasi po as Nero, napakalayo po niya sa totoong Allen, the way na magsalita at gumalaw siya. Nagpapasalamat din po ako kay Sofia, dahil teamwork po talaga kami rito.”

Napapanood ang LUV IS: Caught in His Arms every night, 8:50pm, after ng Maria Clara at Ibarra.

Maria... naghakot na naman ng award

Nag-post si Suzette Doctolero, creative writer ng Maria Clara at Ibarra ng listahan ng mga nagsipagwagi sa 7th GEMS Awards na isang samahang nagbibigay pagkilala sa mga katangi-tanging alagad ng sining sa larangan ng Panulat, Digital, Tanghalan, Radyo, Telebisyon at Pelikula.

 Narito ang mga pararangalan: Best TV Series – Maria Clara at Ibarra(GMA-7); Best Performance by an Actor in a Supporting Role (TV Series) – Juancho Trivino – Maria Clara at Ibarra – Best Performance by an Actress in a Supporting Role (TV Series) – Andrea Torres – Maria Clara at Ibarra; Best Performance by an Actor in a Lead Role (TV Series) – Dennis Trillo – Maria Clara at Ibarra; Best Performance by an Actress in a Lead Role (TV Series) – Barbie Forteza – Maria Clara at Ibarra; TV Station of the Year – GMA-7.

Nalalapit na ang pagtatapos ng Maria Clara at Ibarra na napapanood gabi-gabi sa GMA7, 8pm.

Paolo, magsasalita kay Boy Abunda

Marami nang nai-excite sa pagsisimula ng Fast Talk with Boy Abunda na mapapanood daily, simula sa Monday, January 23, 4:05 to 4:35 pm, bago ang Family Feud ni Dingdong Dantes. 

Araw-araw ay isang celebrity ang makakusap ni Boy. 

Naka-schedule nang mag-guest sina Marian Rivera, Glaiza de Castro and husband David Rainey, Alden Richards, Bea Alonzo, at Paolo Contis.

vuukle comment

SOFIA PABLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with