GMA at Ayala Foundation, nag-collab para kay Rizal
GMA Network and Ayala Foundation team up to honor the works of Dr. Jose Rizal.
Ang production and creative team of GMA Network’s top-rating and phenomenal series na Maria Clara at Ibarra take part in the latest #MagingMagiting advocacy program of Ayala Foundation, Inc. which highlights the heroism of Dr. Jose Rizal.
Sa Thursday, Dec. 29, Ayala Foundation will premiere on its Facebook page the seventh edition of the Digital Magiting Conference with the theme Rizal Revealed: Muling Kilalanin ang Magiting na Bayani.
Sa recorded digicon, present si GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable; Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy; Creative Consultant of Maria Clara at Ibarra, Suzette Doctolero; the show’s director, Zig Dulay and Kapuso Drama King Dennis Trillo, who plays the role of Ibarra.
Ayon kay Suzette, “ang mga akda ni Rizal ay napaka-relevant pa rin hanggang ngayon. Kung ano ang usapin tungkol sa exploitation ng mga Pilipino noon ay nagaganap pa rin ngayon. Ang Noli Me Tangere ay napakayaman ng content para i-adapt sa soap opera. Bilang manunulat, ang ambag namin para sa nation building ay ituro ang ganda ng kultura at kasaysayan natin kasi ang sarap maging Pilipino.”
Ang Maria Clara at Ibarra ay nagtatampok din kina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at David Licauco at napapanood gabi-gabi, 8 p.m.
Jillian, nagpaiyak
Naging emosyonal ang netizens na sumusubaybay sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap na nag-monologue si Analyn (Jillian Ward) sa eksena na naiwanan na siyang mag-isa sa kamay ng mga rebelde sa bundok. Umiiyak na sinabi ni Dr. Analyn Santos na hindi na niya matutupad ang pangakong paggamot sa mga maysakit, hindi na rin niya makikita ang pinakamamahal na inang si Lynneth (Carmina Villarroel) at lalong hindi na niya makikilala ang tunay niyang ama. Ang mga eksenang ito ang ikinaiyak ng viewers at hinangaan nila ang mahusay na acting ni Jillian.
- Latest