^

Pang Movies

Michael V., may parody sa BG!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Tuluy-tuloy ang tawanan sa longest running gag show sa bansa, ang Bubble Gang! And this month, ipagdiriwang ng show ang kanilang 27th anniversary sa pamamagitan ng special episodes na mapapanood sa Nov. 18 at 25.

Tampok sa #BGVenti7 ang powerhouse cast ng Bubble Gang kasama ang ilang sikat na content creators.

“For our anniversary, dahil inevitable ang social media, Bubble Gang will bring social media to our show MISMO! Medyo bitin nga e but they’re there,” saad ng award-winning Kapuso comedian at Bubble Gang pioneer na si Michael V.

At for the first time in three years, may hatid na parody si Michael V. sa trending song na Gusto Ko Nang Bumitaw. Bahagi rin ng kanilang anniversary special ang Pranning Man na spoof sa top-rating reality game show na Running Man Philippines. 

Kaya tutok na kayo at maki-TGIF sa anniversary episodes ng Bubble Gang simula ngayong Nov. 18, 9:40 p.m.

Mayor Enrico, ‘di tumatanggi sa mga nangangailangan

Talagang hindi puwede na hindi mo mahalin si Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan.

Kahit anong hilingin mo sa kanya, lagi na ay ‘oo’ ang sagot niya.

Iyon bang parang nahihiya siyang tumanggi kapag may tao na lumapit sa kanya.

Kaya naman ‘yung Amana Water Park niya parang naging bakasyunan na ng mga gustong mag-chill kahit isang araw lang.

Meron na kasing mga cottage na puwedeng mag-stay kung gusto pang mag overnight ang nagpupunta sa Amana Water Park.

Bongga.

vuukle comment

BUBBLE GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with