^

Pang Movies

Gina, magpapaiyak!

STARTALK - Lolit Solis - Philippine Center for Investigative Journalism
Gina, magpapaiyak!
Gina

Si Gina Alajar ang magbubukas ng month-long 20th anniversary celebration ng Magpakailanman.
Pagbibidahan ng betera­nang aktres at direktor ang brand new at unang episode mula sa 20th anniversary specials ng real life drama antho­logy na pinamagatang Huwag kang Susuko.
Gaganap siya sa kuwento ito ni Leni, isang ina na maaakusahan ng panggagahasa ang tatlong anak na lalaki. Gagawin niya ang lahat para mapatunayang inosente ang kanyang mga anak.
Abangan ang natatangi niyang pagganap sa brand new episode at unang offering mula sa 20th anniversary special ng #MPK.

Wala pa rin talagang kupas ang galing sa pag-arte ni Gina. Siguradong paiiyakin nito ang mga manonood sa mga madamdaming eksena bilang ina na gagawin ang lahat para sa isang anak.
Mapatunayan kaya niyang inosente ang mga anak niya? Panoorin natin iyan. Bongga.

G! Flicks, umaarangkada

Ang bongga naman ng G! Flicks ng GTV dahil tuluy-tuloy ang pag-arangkada nito sa ratings. Consistent na mataas ang primetime ratings nito sa GTV!

Tinatampok sa programa ang iba’t ibang star-studded movies weekly para sa lahat ng Kapuso viewers.

Tinatalo raw talaga nito ang mga katapat na programa mula Lunes hanggang Biyernes. Talagang tinutukan ng mga manonood ang pelikula ng Hollywood actors ng ilang sunud-sunod na gabi na sina Jackie Chan, Jason Statham, Sylvester Stallone at Bruce Willis!

Malaki raw talaga ang nilamang ng G! Flicks sa mga kalabang programa.

Siguradong excited ang mga manonood sa mga susunod pang blockbuster movies na ipalalabas.

vuukle comment

GINA ALAJAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with