Dingdong, overnight lang ang kaya sa PBB
Handa raw si Dingdong Dantes na pumasok sa Bahay ni Kuya. Ang kondisyon nga lang niya – overnight lang! Hahaha!
Pumasok si Dong sa Bahay ni Kuya nitong Miyerkules nang gabi kasama si Charo Santos.
May pelikula ang dalawa at promotional tool ang PBB kaya sila pumasok. May ginawa naman siya pero more on promotion ang drama nila.
Sana eh makatulong ang pagpasok ng dalawa para panoorin ang movie nila, huh!
Sen. Bong, ‘di nagpaka-bitter kahit natalo
Nagpasalamat na si Senator Bong Revilla, Jr. sa mga bumoto sa kanya. Kalakip ng pasasalamat ang tila pag-concede niyang hindi siya makakasama sa Top 12 senators na nanalo sa katatapos na botohan.
Hindi na hinintay ng senador na matapos ang bilangan na as of this writing eh nasa number 14 siya sa unofficial results.
Hinangaan at pinapurihan ang senador sa ginawa niyang ito. May mga kandidato kasing kapag nasa number 13, nag-iingay at gumagawa ng eksena to gain public sympathy. Worse, gusto pa ng recount!
- Latest