Danny Javier, may paalam na sa kanyang huling kanta!
Napanood namin ang video ni Danny Javier kung saan, kinanta nito ang last composition (yata niya) na Lahat Tayo na tungkol sa kamatayan. Ni-record ni Danny ang nasabing kanta sa Homeworkz Music.
The song talks about saan mo gustong humimlay kung ikaw ay nawalan ng malay at may payo na easy lang sa tagay at pulutan. May line rin ang song na mauuna na lang siyang mamatay pero sumunod ka dahil mas masaya raw kung may kasama.
Very APO ang song at hindi pa rin nagbago ang boses ni Danny kahit that time na ni-record ang song ay may sakit na siya. Dahil sa kantang ito, nagkatanungan ang netizens kung ano ang favorite song nila ng APO?
Also, sa last interview ni Jessica Soho kay Danny sa Kapuso Mo, Jessica Soho, nilinaw ni Danny na hindi dahil sa disagreement kaya nabuwag ang APO.
“Hindi kami nag-away. As a matter of fact, the reason why I said it was about time to quit- because I wanted to keep the relationship.”
Noong 2010 nag-retiro ang APO at mula noon, hindi na sila napanood na kumanta na magkakasama. Although sina Jim Paredes at Boboy Garovillo nagho-host minsan at nire-request kumanta na kanilang pinagbigyan.
Naalala namin sa last campaign bago ang eleksyon, nabalitang may reunion ag APO sa isang meeting ni Leni Robredo na ikinatuwa at ikina-excite ng APO fans.
Pero walang reunion na nangyari.
Martin, na-bash nang gawing peg ang serial killer!
Deleted na sa Instagram ni Martin del Rosario ang photo niya kung saan, ginaya niya for Halloween ang serial killer na si Jeffrey Dahmer. Na-bash si Martin dahil dito at kinailangan niyang mag-isyu ng apology sa kanyang Instagram story na deleted na rin.
“I sincerely apologize if I offended some of you with my Halloween costume. I did not intend to create buzz for my personal gain nor exude that attitude of indifference towards the victim of the character I wore. My intention was to celebrate Halloween in a simple costume during an intimate party with family. If I have hurt anybody or have become insensitive, I sincerely apologize. Please trust that it was nothing intentional. It was just for the spirit of Halloween.”
May netizens na tinanggap ang apology ni Martin dahil kung mali raw ma gayahin ang look ni Dahmer, bakit ipinalabas sa Netflix ang series na The Jeffrey Dahmer Story. OA lang daw ang mga Filipino at lahat ginagawang big deal.
Kaso, mas marami ang nagalit kay Martin at tinawag siyang pampam dahil alam naman daw nito na controversial personality ito at alam na magiging controversial ang panggagaya niya na nanyari nga.
Kaya lang, hindi pa rin makapag-move on ang iba dahil ‘yung post ni Martin with her family, may nag-comment pa rin ng “Dahmer.”
Toni at pamilya, ayaw haluan ng kanegahan ang bakasyon sa Switzerland
Hindi pinost ni Toni Gonzaga sa regular Instagram ang photos ng vacation nila ng asawang si Director Paul Soriano at anak na si Seve sa Switzerland. Alam ni Toni na kapag nag-post siya ng photos sa regular IG niya, kung may matutuwa man, marami ang mamba-bash.
Bakit nga naman niya hahayaang mahaluan ng negativity ang masayang bakasyon, kaya ang ginawa nito, sa kanyang IG story pinost ang photos nilang mag-anak. Kaya lang, nang ma-post sa ibang website ang vacation photos nila, may mga nag-comment pa rin na galing sa taxes ng mga Filipino ang ginasta nina Toni.
Unfair naman ito kina Direk Paul at Toni, may trabaho naman sila at may show at endorsements si Toni at may pelikula si Direk Paul. Saka, P1 lang ang sweldo niya sa gobyerno ni President Bongbong Marcos, ano bang taxes ang tinukoy ng netizen?
- Latest