^

Pang Movies

Gina, inaming napupuyat kakanood ng K-Drama

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Gina, inaming napupuyat kakanood ng K-Drama
Gina

Lingid sa kaalaman ng marami, ang award-winning actress at Kapuso director na si Gina Alajar ay 17 years old lamang nang kanyang ipagbuntis ang kanilang panganay na anak ng kanyang ex-husband na ngayon na si Michael de Mesa na si Ryan Eigenmann. Ito ang naging dahilan kung bakit hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral in college.

One year old na si Ryan nang magpakasal ang (dating) mag-asawang Gina at Michael dahil sa request na rin ng ama ni Michael, ang dating Sampaguita matinee idol, ang singer-actor-turned preacher na si Eddie Mesa.

Dahil nasorpresa si Gina sa wedding nila ni Michael, ay kumuha na lamang siya ng ready-made wedding dress sa gilid ng Sta. Mesa (near Legarda) na patahian dati ng ready-to-wear dresses at sila’y ikinasal sa Santuario de San Jose Parish in  Greenhills, Mandaluyong City.

Wala rin umano silang wedding pictures nang sila’y ikasal ni Michael who’s one year her junior.

Nauwi man sa hiwalayan ang pagsasama nila bilang mag-asawa ni Michael, nabiyayaan naman sila ng tatlong anak na sina Ryan, Geoff, at AJ na may kani-kanya nang mga pamilya at mga anak.

Except for AJ na nasa Amerika with his family, sina Ryan at Geoff ay parehong sumunod sa kanila ni Michael sa pag-aartista.

Isa umano sa dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawang Gina at Michael ay insecurity dahil naging mas successful actor-director si Gina considering na wala siyang formal training bilang director unlike Michael na nag-aral pa ng film directing sa New York City, USA.

Kung si Gina ang tatanungin, okey lamang umano sa kanya na makatrabaho sa isang proyekto ang dating mister pero ang hindi niya alam kung papayag umano si Michael. Hindi rin umano maku-consider na magkaibigan ang dating couple kahit malalaki na ang kanilang mga anak at may mga apo na sila sa mga ito.

Si Gina ay balik-acting sa pamamagitan ng GMA adaption ng Korean TV series na Start-Up kung saan sina Bea Alonzo at Alden Richards ang mga pangunahing bituin. Si Michael naman ay katatapos lamang mapanood sa top-rating and longest-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano kung saan ilan sa mga eksena ay si Michael mismo ang nagdirek.

Hindi rin ikinakaila ng award-winning actress at director na big fan umano siya ng K-movies at K-dramas at dito umano siya napupuyat sa panonood. Kabisado rin ni Gina ang mga pangalan ng lead stars laluna ang lead actors. Ito umano ang kanyang libangan kapag wala siyang trabaho at nasa bahay lamang.

Beks Battalion, tagumpay ang unang concert

Naging malaking tagumpay ang first major concert ng Beks Battalion na binubuo nina Chad Kinis, MC Muah at Lassy Marquez, ang Beks 2 Beks 2 Beks na dinirek ni GB Sampedro at ginanap sa New Frontier Theater. Isa sa special guest performers ng tatlo ay si Vice Ganda na hindi nagdamot ng kanyang talent at oras para sila’y masuportahan sa kanilang unang attempt sa concert scene.

Since naging successful ang Beks 2 Beks 2 Beks concert ng Beks Battalion na produced ng Viva Live, hindi kami magtataka kung ito’y magkakaroon ng repeat concert even in a bigger venue.

Masayang-masaya ang magkakaibigang YouTubers at comedians na sina Chad, MC at Lassy dahil sinuportahan ng Viva at ng mga manonood and their special guests ang kanilang concert.

Ang pangalang Beks Battalion ay hango sa pangalan ng hip-hop group na Ex-Battalion. Since mga beki silang tatlo, ginawa nila itong Beks Battalion na kinagat naman ng publiko.

Joross at Roxanne, may magic pa rin

Kahit may kani-kanyang pamilya na ang ­dating magkasintahang Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, click pa rin ang tambalan ng dalawa sa mga manonood laluna sa kanilang hit series sa iWant TFC na Hoy Love You na nagkaroon pa ng Part 2.

Dahil sa tagumpay ng first two parts ng Hoy Love You, muli itong magkakaroon ng Part 3, isang indikasyon na may magic pa rin ang tambalan nina Joross at Roxanne.

vuukle comment

GINA ALAJAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with