^

Pang Movies

Spinal surgery tagumpay, Pen Medina hindi pa tapos ang laban   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Spinal surgery tagumpay, Pen Medina hindi pa tapos ang laban              
Pen Medina

Tagumpay ang isinagawang spinal surgery sa beteranong aktor na si

Medina. Kaya naman sa kanyang Facebook page ay nagpasalamat siya at nagbigay ng update sa kanyang kondisyon.

“Praise God for making my Spinal Surgery safe and successful. Maraming salamat sa aking Spine Surgeon Dr. Romel Estillore at kanyang team, my Anesthesiologist Dra. Lota Ticman at sa aking Ortho Doctor Dr. Misael Ticman, sa kanyang walang sawa at walang pagod na pagtulong at pag-alalay sa amin.

“Hindi pa po tapos ang aking laban, I will be needing more prayers as my medical team addresses the accompanying infection.

“Marami pong salamat sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa akin. Marami pong salamat!” ang pahayag ni Pen.

Bago ang operasyon, napabalitang bed-ridden na si Pen dahil kanyang sakit na Degenerative Disk Disease (DDD). Nanawagan ang kanyang pamilya ng dasal at tulong-pinansyal dahil naubos na raw ang naiipon ng beteranong aktor sa kawalan ng trabaho na dulot ng pandemic.

Sanya hindi Nagmamadaling maka-first BF

Akmang-akma kay Sanya Lopez ang title ng debut single niyang Hot Maria Clara dahil para siya talagang modern Maria Clara in real life na at her age ay never pang nagkakaroon ng boyfriend or NBSB (no boyfriend since birth).

Ayon kay Sanya sa ginanap na digital mediacon para sa nasabing single, hindi pa raw niya talaga masabi kung kaylan ba siya magiging ready na pumasok sa isang relasyon.

“Pero sabi ko kasi, ang relasyon naman, hindi naman pinipilit ‘yan, eh. Kung dumating siya, eh di dumating siya. Pero kung hindi, di hayaan mo lang, mag-enjoy ka muna sa life mo bilang single. Kasi, once na dumating na talaga ‘yan, baka hindi mo na ma-enjoy ang pagiging single,” sey ni Sanya.

Kaya nga raw sa ngayon ay talagang sa sarili niya at sa kanyang career muna siya nagpo-focus.

“Sa ngayon, busy muna ako sa sarili ko, busy muna akong mahalin ang sarili ko,” aniya.

Pero by choice na rin daw siguro kung bakit wala pa siyang boyfriend dahil na rin sa sunod-sunod ang kanyang trabaho.

May mga nanliligaw daw naman pero hindi raw niya talaga mabigyan ng oras ang mga ito.

“Unfair din naman for sure sa kanila ‘yun. Sabi ko kasi, ‘pag once na nagka-boyfriend ako, feeling ko sana, may time ako sa kanya. Kaya siguro, sabi ni Lord, ‘gusto mo pala ng time para sa kanya, ‘wag muna,’” natatawang sabi ni Sanya.

Samantala, released na ang Hot Maria Clara  na kaagad na pumangatlo sa iTunes Philippines chart at napasama sa listahan ng Fresh Finds Philippines playlist ng Spotify. Ang nasabing awitin ay tungkol sa isang makabagong Filipina.

vuukle comment

PEN MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with