Zia Quizon sa Serbia ang kasal, hindi namalayang nakipag-split kay Robin!
Naging tahimik lamang ang naging relasyon nina Zia Quizon at Robin Nievera gayundin sa kanilang breakup kaya marami ang nagulat nang malaman nilang ikakasal na ito sa kanyang nobyong si Aleksa Rahul sa isang bahagi in Europe, sa Serbia.
Si Zia (30) ay kaisa-isang biological daughter ng yumaong Comedy King na si Dolphy at Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla habang si Robin ay panganay sa dalawang anak ng estranged couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.
Matagal din ang naging relasyon nina Zia at Robin na ang huli ay sa Amerika na naka-base.
Although nakapag-record na noon si Zia ng isang singer-writer, marami ang nanghinayang na hindi na nito ipinagpatuloy ang kanyang singing career considering na napakaganda ng kanyang boses na obviously ay kanyang minana sa kanyang ina na si Zsa Zsa. Singer-actress din ang kanyang half-sister (sa mother side) na si K (Karylle) at may isa pa siyang adopted sister na si Nicole Quizon.
Dalawang Pinoy films, pasok sa BIFAN
It was last July 7, 2022 nang magsimula ang ika-26th Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) sa South Korea kung saan unang napansin ang international actors na sina Peter Jackson, Christopher Nolan at iba pa.
Two hundred eighty nine films mula sa 49 countries ang lumahok sa taunang BIFAN festival. Eighty films ang mapapanood sa World Premiere, 20 films sa International Premiere, 79 for Asian Premiere ata 59 naman sa Korean Premiere.
Dalawang pelikula ng Pilipinas ang pumasok sa BIFAN sa taong ito, ang Reroute na pinagbibidahan ni John Arcilla na dinirek ni Law Fajardo under Viva Films at ang Clairvoyant ni John Luke Miraflor at pinangungunahan naman ni Richard Quan.
Coco at Vice, malalaman ang powers sa takilya
Although dalawang beses nang nagsama sa pelikula for Metro Manila Film Festival ang magkaibigang Coco Martin at Vice Ganda, this time ay muling magtatapatan ang dalawa sa kanilang magkahiwalay na proyekto for the 2022 Metro Manila Film Festival. Makakasama ni Coco sa unang pagkakataon si Jodi Sta. Maria sa pelikulang Labyu with Accent na si Coco rin mismo ang director using his real name na Rodel Nacianceno. Ito’y produced ng ABS-CBN Film Production and CCM Productions.
Si Vice Ganda naman ang bibida sa pelikulang Partners in Crime na pagsasamahan nila ng YouTuber at sexy star na si Ivana Alawi. Ito’y pamamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina at joint venture ng ABS-CBN Film Productions and Viva Films.
Ang mga pelikula nina Vice at Coco ay pareho nang pasok sa ika-48th Metro Manila Film Festival along with the two other entries, ang The Teacher na pinagtatambalan nina Toni Gonzaga at Joey de Leon under Ten17 Productions with Paul Soriano at the helm habang ang pang-apat na official entry ay ang Nanahimik ang Gabi na tinatampukan naman nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo at Mon Confiano under Rein Entertainment Production.
Ang apat na pelikulang nabanggit ay apat sa walong official entries ng dating na MMFF habang ang apat pang natitira (finished films) ay ia-announce sa buwan ng Oktubre.
Ang malaking katanungan ngayon ay kung handa na ba ang moviegoing public na muling dumagsa sa mga sinehan tulad nung nakaraang mga taon.
Dito rin nalalaman kung naroon pa rin ang drawing power sa pelikula nina Vice, Coco, Toni at iba pa.
- Latest