^

Pang Movies

Donita Nose, walang kamalay-malay sa pagbubuntis ulit ng partner ni Tekla!

Pang-masa
Donita Nose, walang kamalay-malay sa pagbubuntis ulit ng partner ni Tekla!
Donita at Tekla

MANILA, Philippines — Tila walang kaalam-alam si Donita Nose sa nakarating sa amin na balitang nabuntis uli ni Super Tekla ang kanyang dating karelasyon na si Michelle Banaag.

Kaya hindi na namin itinuloy ang tsismis na ‘yun dahil parang gulat na gulat siya nang tinanong namin kung totoo ba ‘yun.

Basta ang narinig lang namin, hindi naman daw nagkabalikan pero nagkikita sila kapag dinadalaw ni Super Tekla ang kanilang anak.

May nangyari, kaya nabuntis uli.

Pero hindi naman ito kinumpirma sa amin ng ilang taong malapit sa comedian/TV host ng The Boobay and Tekla Show.

Ang naikuwento sa amin ni Donita sa mall show ng Sing Galing Kids ay ang posibleng pagbabalik ng vlog ng tandem nilang Donekla.

Nagkakasama kasi sila sa mga raket out of towns, lalo na nung panahon ng kampanya.

Okay na raw sila at napapag-usapan na nila ito, dahil marami pa rin talaga sa fans nila na gustung-gusto ang kanilang Donekla tandem.

“Ako naman kasi, siya lang naman ang inaantay ko. Madalas. Na parang, ‘Ayusin mo ‘to! Ayusin na natin ‘to,’ ganyan-ganyan, ganyan,” tsika sa amin ni Donita.

“Gusto ko, siyang ‘yung mag-offer sa akin na parang, ‘OK, teh. Halika na! Mag-ano na tayo!’ Ganyan. Kasi at least, alam ko na willing na siya, ‘di ba? Andun na ‘yung eagerness niya na gawin ‘yung work.

“Kasi, ‘pag once ako na naman, ‘Halika na,’ pipilitin mo siya, tapos wala pa pala siyang gusto, o hindi niya gusto, wala ring mangyayari. So, parang… antayin kita. ‘Sige, ‘pag OK ka na, just tell me.’ Ganyan, wala nang ano,” dagdag niyang pahayag.

Dumalo nga raw si Super Tekla sa nakaraang birthday party niya.

Posibleng magkabalikan nga raw silang dalawa para sa kanilang vlog. “Actually, nag-usap na kami ngayon. So, we’re going back na.

“Nag-usap kami, na parang, ‘O, ano?’ ‘Ikaw, ano, gusto mo ba?’ ganito-ganyan. So, ayun,” napapangiti pang pahayag ni Donita.

Swak na swak si Donita sa Sing Galing bilang Sing Master kasama sina K Brosas at Randy Santiago.

Dito sa Sing Galing Kids na magsisimula na sa Sabado, July 16, si Donita raw ang madalas na nagkokontrabida sa mga batang contestants kapag nagda-drama.

Baguhang network, may mga ka-collab

Ang bongga ng AQ Prime ni Atty. Aldwin Alegre, dahil may panibago na namang Korean company ang nakipag-partner sa kanyang kumpanya.

Makikipag-co-produce sila para sa isang malaking concert na gaganapin dito sa atin.

Nakatsikahan namin si Mr. Son Sang Hwan, ang chairman ng SSN Network sa Korea, at excited daw siyang mag-produce dito sa Pilipinas.

Hirap lang siyang makipag-communicate dahil hindi siya gaanong makapagsalita sa English, pero gustung-gusto raw niyang gumawa ng pelikula dito, at doon din sa Korea.

Pero ang isa sa inaayos nila ngayon ay ang malaking concert na gagawin sa Philippine Arena.

vuukle comment

DONITA NOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with