Mga kasambahay sa Malacañang, hinahanap na
Tremendous ang magandang reviews na naririnig tungkol sa Maid In Malacañang, hindi pa man ito naipapalabas, well, reportedly sa mga sinehan.
Yes, sinehan. Movie houses.
Mula sa Viva Films, ang direktor nito ay ang bata pa at baguhang si Darryl Yap.
Well, sa hindi pa nakakapanood sa trailer ng movie, reportedly showing on July 20, marami ang curious na malaman where the supposed maid(s) are now.
Sa movie kasi, ang gumanap ng kanilang roles ay sina Elizabeth Oropesa, Karla Estrada at Beverly Salviejo, na pawang magagaling nating performers.
Kung sino sa kanila ang pinaka – iyan ang dapat nating alamin.
Nasaan na nga kaya ang mga nabanggit na maids, na tiyak hindi mga basta as they supposedly have to entertain sa mga bumibisita sa Malacañang.
Kaya expected na tapos sila (sa tunay na buhay) ng college, poised, at smart.
Curious nga raw, kahit sina Oro (Elizabeth), Karla at Beverly na ma-meet ang kahit sino sa kanila.
At anong klaseng buhay mayroon sila ngayon?
Sharon, binuhay ang mga lumang kanta
Sharon Cuneta, at her supposed Iconic concert with Regine Velasquez, at the Resorts World Manila mid-June this year, revealed she has not sung live for two years.
Thus, medyo apologetic siya. Ang gaganda ng mga napiling awitin ng dalawa, as they are old songs na pamilyar at inaawit pa ng kanilang mga tagasubaybay, noon at ngayon.
Ikaw, Salve A., pamilyar ka pa sa Mr. DJ, High School Life at Dear Heart?
Well, wait natin ang upcoming concerts pa daw nila. Obviously, hindi lang dito sa Pilipinas, kung hindi sa ibang bansa pa rin.
Gabby, kering leading lady sa book 3 si Sanya
Ilang araw na nga lang at magtatapos na ang Book 2 First Lady where Sanya Lopez plays the title role. She Sanya played the title role, too, in the Book One ng series, First Yaya.
In both books, kumbaga, Sanya had Gabby Concepcion as her leading man.
“It was tremendous working with him,” ani Sanya of Gabby. “Bukod sa magaling, mabait pa siya. Bawing-bawi ka sa kanya as leading man.”
“In my case,” ani Gabby. “I will appreciate working on a Book 3 with her. Ang mga tulad ni Sanya ang hindi dapat nawawalan ng assignment.”
Kris, patuloy ang panghihingi ng dasal
Walang nakakaalam kung saang hospital USA sa Houston, Texas, naka-confine si Kris Aquino.
Her group, though continue to ask for prayers.
Kahit naghihirap, panay rin ang request ni Kris na ipagdasal din natin ang mga anak na sina Joshua at Bimby
Para raw sa kanya, mas mahalaga raw ang buhay ng mga ito. Sayang at hindi siya naka-attend nang personal sa padasal kay former President Noynoy (Aquino), na one year ago nang binawian ng buhay.
President Noynoy, of course, is Kris President’s brother. At sobra ang closeness nilang dalawa.
God, in time, will listen to her prayer, punung-puno ng pag-asang saad ni Kris.
Yes, Kris, we will also continue praying na matupad ang mga hiling mo.
- Latest