^

Pang Movies

BB nakiramay sa pagpanaw ng dating father-in-law, Carmina nagpasalamat

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
BB nakiramay sa pagpanaw ng dating father-in-law, Carmina nagpasalamat

Ahh nakisimpatya ang nasirang si Rustom Padilla now BB Gandanghari kay Carmina Villarroel na nag­luluksa sa pagkamatay ng kayang amang si Regy a week ago.

Maraming nakabasa sa comment ni BB na “I’m so sorry to hear… My sincere condolences and deepest sympathy to you and your family. Daddy Regy is one of the most respectable, kindest and coolest person I have ever met. I feel privileged and pleased to have come to know your Dad that I’ve looked up to him from afar. I share with your grief at this time of bereavement. May the God Almighty grant your Dad eternal peace.

Hugs to you….”

Nagpasalamat naman si Carmina.

Sa katapusan, naging maayos din ang ‘samahan’ ng dating mag-asawang Rustom (BB) at Carmina na kapwa maligaya na sa kani-kanilang buhay sa kasalukuyan.

Barbie, nabiktima si Sandro Marcos

Prank today, jowa later. Ito ang naging ‘bintang’ kay Barbie Imperial matapos i-prank para sa kanyang YT channel ang presidential son and elected congressman na si Sandro Marcos.

Alam na raw ang galawan, sabi ng ibang netizens.

Close friends pala sila at kun­yari ay nag-emote si Barbie na pinalayas siya at magso-solo na raw siya.

Una niyang tinawagan si Carlo Aquino at sunod si Tony Labrusca na agad siyang nabuko.

Pero ang presidential son, agad siyang inalok na puwedeng mag-stay si Barbie sa kanilang guest house.

Grabe naman ang naging tawa ni Barbie na nag-uumpisa pa lang sa pagba-vlog.

Dimples, ramdam ang laki ng gastos sa pagpapaaral sa abroad

Hindi mamamahinga si Dimples Romana pagkapanganak. Aminado siya na gustuhin man niyang mamahinga pagkaluwal ng kanilang third baby ng asawa niyang si Boyet Ahmee, iba raw ang sinasabi ng katawan, isip at puso niya. “Sadyang hindi yata talaga nagnanais ng kahit anong pahinga ang katawan ko,” aniya sa ginanap na digital media conference ng kanyang latest endorsement, Generika Drugstore.

“Sure ako na marami sa atin, if not all of us, would agree that even if we wanted to, we just can’t,” dagdag pa niya sabay pag-amin na hindi madaling magpaaral ng anak sa abroad.

“Kasi marami tayong responsibilidad sa buhay. Lalong-lalo na si Ate Callie is in Australia stud­ying aviation. So magpipiloto po ang panganay ko,” sabi pa niya kahapon na umamin ding wala silang kamag-anak sa Australia nang magdesisyong mag-aral doon ang anak ng pagpipilito at naranasan nitong humiga sa sahig dahil hindi agad nagkaroon ng visa ang asawa niyang si Boyet.

Very soon ay manganganak na si Dimples na kamakailan lang ay binigyan ng baby shower ng mga kaibigan niyang sina Angel Locsin and Bea Alonzo.

Malayo ang age gap sa dalawang kapatid niya ang ipapanganak niya pero excited na raw ang bunso nila ngayon pa lang – 2003 ang first born niyang na si Callie, 2015 ang second baby nilang si Alonzo Romeo.

Kaka-celebrate lang nila ng 21st anniversary ng kanyang mister.

vuukle comment

BB GANDANGHARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with