Daryl Ong, ikinasal!
Official nang mag-asawa ang singer na si Daryl Ong at ang singer-actress na si Dea Mormilleza na ikinasal nung nakaraang Sabado, March 12, sa Antipolo City.
It was on July 31, 2021 nang ibahagi ni Daryl ang balita na sila’y engaged na pagkatapos ng kanilang limang taong relasyon. Pero kung idadagdag ang mga taon ng kanilang pagiging magkaibigan ay abot na ito ng 10 taon.
Si Dea ay naging kalahok ng Philippine Idol reality singing competition in 2019 at nakagawa rin siya ng ilang serye sa Kapuso network at kasama na rito ang Ika-5 Utos nung 2018 maging ang The One That Got Away. Nakapag-guest din siya sa drama anthology na Magpakailanman nung 2012. She is from Monkayo, Compostela Valley.
Si Daryl naman ay unang nakilala nang ito’y lumahok sa The Voice Philippines in 2014. Sumali rin siya sa iba pang singing competitions tulad ng Pinoy Pop Superstar in 2015, Pinoy Idol nung 2005 kung saan niya nakilala at nakasama ang misis na niya ngayon na si Dea. Naging miyembro din siya ng Voices 5 boyband. Kasama rin siya sa grupong BuDaKhel na binubuo nila nina Bugoy Drilon at Michael Pangilinan.
Bago nag-focus si Daryl sa kanyang singing career ay nagtrabaho siya noon bilang cartoonist-animator ng ABS-CBN para sa Pinoy animated series na Super Inggo at ang Super Tropa.
Xyriel, wini-wish ng fans na maging ala-Andrea
Dalaga na rin ngayon ang dating child star na si Xyriel Manabat matapos itong mag-show up sa ASAP Natin `To sa birthday presentation ng kanyang kaibigan at dati ring child star na si Andrea Brillantes who turned 19 last Saturday, March 12.
Natutuwa si Xyriel sa magandang takbo ng career ni Andrea na isa na ring successful vlogger.
Xyriel turned 18 nung nakaraang Jan. 27. Siya’y produkto ng Star Circle Quest Search nung 2009 kung saan siya ang third runner-up sa Next Kiddie Idol.
She played the young Andi Eigenmann in Agua Bendita. Nagkasama naman sila ni Andrea along with Zaijian Jaranilla and Piolo Pascual sa seryeng Hawak Kamay nung 2014. Although marami siyang nagawang serye bilang child star, markado rin ang kanyang role sa 100 Days to Heaven kung saan niya co-stars sina Coney Reyes at Jodi Sta. Maria.
Umaasa naman ang fans ni Xyriel na sana’y mabigyan din ito ng magandang break ng ABS-CBN ngayong dalaga na siya katulad ng kaibigang si Andrea Brillantes.
Dingdong, nag-level up
Blessing in disguise ang pagkawala ng Wowowin game show ng host-producer na si Willie Revillame sa GMA Network dahil isang franchise game show ang mapapanood sa time slot na iniwan ni Willie, ang local franchise ng more than five decades old American TV game show na Family Feud na nagsimula sa Amerika nung 1976 with Richard Dawson as the original game show host at si Steve Harvey naman mula 2010 hanggang sa kasalukuyan.
Excited ang mister ni Marian Rivera na si Dingdong Dantes dahil siya ang napisil ng GMA management na mag-host sa bagong local version ng Family Feud.
Although nagsimula si Dingdong bilang miyembro ng isang dance group noon, ang Abztract Dancers, siya’y nag-level up bilang isang mahusay na actor at TV host at entrepreneur.
- Latest