^

Pang Movies

Jake Zyrus, umaming dugo ang naging puhunan sa pagiging ‘lalaki’

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Umurong na ang boobs ni Jake Zyrus.

Yes, hitsurang lalaki na nga ang katawan niya na pinagpiyestahan sa social media kahapon matapos niyang i-flex ang selfie ng hubad na katawan sa kanyang Facebook account habang nagto-toothbrush.

Wala na raw siyang pakialam sa iisipin ng iba basta ‘yun siya.

“Una sa lahat salamat sa lahat ng napakaganda nyong comments sa version ko ng Maghintay Ka Lamang. Mahal ko kayong lahat,” umpisa niya.

“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba ‘to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan.

“Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito,” kumpisal niya.

“Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender. Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sayo to.

“Kung hindi ka man handa pa, okay lang din yun. Lahat yan may tamang panahon.

“Well. This is me guys.

“Mahal ko kayong lahat.

“Jake.”

Tulad ni BB Gandanghari na pinatay si Rustom Padilla, binaon na rin ng buhay ni Jake si Charice.

Coleen, mas magaling nang magluto at magpalit ng diaper

Sinama pala ni Colenn Garcia ang anak nila ni Billy Crawford na si Amari nang mag-back to work siya.

Katwiran ni Coleen, nagpapa-breastfeed pa siya up to now kaya kailangan niyang dalhin ang anak.

Anyway, zero COVID daw naman sa area kung saan sila nag-shooting ng pelikulang Adarna Gang ng Viva Films kaya naging smooth ang lahat.

Eighteen months na si Amari kaya hindi na rin naman siya nahirapang mag-decide na balikan ang acting job since ang tagal na rin niyang napahinga dahil before pandemic namimili na siya ng mga gagawing project since isa na nga siyang maybahay.

At ang naging challenge sa pagbalik niya sa acting, parang nawalan na raw siya ng emosyon at pakiramdam niya mas magaling na siyang magluto at mag-alaga ng baby.

Mapapanood na sa Vivamax ang Adarna Gang simula March 11.

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with