^

Pang Movies

Julius, hindi nagmadaling lumipat sa TV5!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Hindi nagmadali si Julius Babao na lumipat sa TV5. Nagdasal siya nang nagdasal kasama ang misis na si Christine Babao at dalawang anak, Antonia, 16, and Antonio, 12, bago tuluyang iwan ang Kapamilya kung saan siya nagkapangalan.

Si San Antonio de Padua ang kanilang Patron Saint.

Kilalang madasalin ang mag-anak at talagang nanghingi siya ng signs.

Kaya ngayong 2022, makakasama na ang batikang news anchor at journalist na si Julius sa primetime newscast ng TV5 bilang co-anchor ng Frontline Pilipinas.

Bitbit ang higit tatlong dekadang karanasan sa pamamahayag, muling ihahatid ni Julius ang mga nagbabagang balita gabi-gabi bilang ‘beteranong journo’ at ‘lingkod bayan’ ng Frontline Pilipinas.

Kasama ang kanyang co-anchor na si Cheryl Cosim, sabay nilang ibabahagi ang mga pinakamahalagang isyu pagda­ting sa pulitika, ekonomiya, public welfare, at sa krisis na hatid ng COVID-19.

Kasabay ng paglipat ni Julius sa TV5 ang pagpapaigting ng Kapatid Network ng paghahanda sa parating na eleksyon ngayong Mayo. Ang mga naging karanasan niya sa loob ng almost 30 years ay makakatulong sa paghatid ng mga maiinit at mahahalagang balita kasama ang ibang mga mahuhusay na mamamahayag ng TV5.

Bukod sa pagiging anchor ng Frontline Pilipinas, hangad ni Julius na ipagpatuloy ang kanyang misyon sa paglilingkod bayan sa pamamagitan ng isang programa na naglalayong magbigay tulong sa mga small and medium scale enterprises (SMSE) at maging sa mga underground economy-reliant na Pilipino, lalo pa’t patuloy pa rin ang pagharap ng bansa sa mga economic at social challenges.

Nagsimula ang journalistic career ni Julius sa DZBB ng GMA 7 noong 1990 bago siya lumipat sa ABS-CBN noong 1993 bilang reporter ng flagship newscast nito. Kasunod naman ay naging anchor siya morning show ng network kasama ang kanyang asawang si Christine Bersola noong 1996 at naging co-anchor sa mga primetime, evening, at weekend newscasts bago tuluyang tapusin ang kanyang 28-taong serbisyo sa Kapamilya Network noong nakaraang taon. “After being with ABS-CBN for 28 years, I felt I needed change and explore what else I can do in media. I’m now 53 and I want to get more opportunities in my career,” pahayag niya kahapon sa ginanap na welcome conference para sa kanya ng TV5.

vuukle comment

JULIUS BABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with