^

Pang Movies

‘Sa sarili mo lang ang responsibilidad sa pagboto’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang pagboto ay isang bagay sa buhay natin na talagang personal choice natin.

Basta gusto mo ang isang kandidato, iyon ang iboto mo.

Kung anuman ang sabihin ng mga kalaban, o sinuman, hindi ka dapat padala, o baguhin kung sino ang choice mo.

Ito ang isang bagay sa buhay natin na talagang dapat ang sinusunod mo iyon gusto ng puso mo.

Wala kang responsibilidad kahit kanino, sa sarili mo lang.

Kung sino ang gusto mo, iyon isulat mo sa balota.

Lahat naman ng kandidato pare-pareho ang pangako, lahat naman may kanya-kanyang qualities o mga kamalian.

Ikaw lang ang puwedeng mag-decide at pumili nang gusto mo.

Kung tumakbo as Senators sila Manny Pacquiao at Isko Moreno, tiyak iboboto ko sila. Pero sa fight for President dalawa ang pinagpipilian ko, sila Bongbong Marcos at Panfilo Lacson.

Anuman sabihin hindi magbabago ang choice. Sa VP, deklarado na akong Lito Atienza, kahit pa nga type ko sana si Sara Duterte, dahil longtime ‘alaga’ ko na si Cong. Lito Atienza.

Basta iyan mga choices ko, iyan gusto ko, kahit ano pa sabihin nila hindi na mababago pa.

Hindi naman siguro tie breaker ang boto ko, kaya huwag violent ang reaction noh!

Hayaan n’yo na ako, basta boto tayo sa eleksiyon, iyon ang dapat nating gawin.

Election na a Mayo, exciting!

vuukle comment

LITO ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with