^

Pang Movies

Pagiging ninang, senyales ng pamilya ang turingan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sa tagal ko sa showbiz, siyempre marami na akong alaga na ikinasal, nagkaroon ng babies, at kinuha akong ninang. Siyempre natural kunin ako ng mga alaga ko dahil nanay-nanayan nila ako. Pero ang mga kumuha sa akin na talagang naging big hit sa puso ko at naging touching para sa akin ay ‘yung mga hindi ko akalain.

Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Linggit Tan at Rommel, Roselle Monteverde at Jeff, si Meme Monteverde at Steven, at si Mikey Luna at asawa niya.

Sina Dingdong at Marian hindi ko akalain na ganun pala ang love sa akin para kunin akong ninang, parang nabigla pa ako pero talagang honored na honored ako. Sina Meme at Roselle Monteverde hindi ko rin akalain, totoo na nag-babysit ako sa kanila ‘pag busy si Mother Lily at ipinapasyal ko sila sa Avenida Rizal at Escolta pero hindi ko akalain na feeling family na pala talaga ako sa mga Monteverde. Kaya nga nang ikasal ang anak ni Roselle na si Keith, teary eyed ako dahil parang apo na rin ang tingin ko sa ikinasal.

‘Yung kapatid ni Pauleen Luna na si Mikey Luna, na-feel ko ang pagmamahal sa akin ni Mommy Chat, ang mommy nila, nang kunin akong ninang. Kaya nga unforgettable sa akin ang mga kasal nila. Talagang big deal sa akin ang naging ninang nila, ikinararangal ko at talagang nadama ko sa puso.

Ngayon kasi, hindi sa pagmamaldita pero now sinasabi ko na agad na ayaw ko nang magninang lalo na ‘pag hindi ko talaga close kasi gusto ko feeling family ako sa bawat magiging inaanak ko.

Salamat talaga. Kayo ang angels ko dito sa lupa, at alam ko na ipagdarasal ako para mapunta sa langit. 

TY, Kapuso!

Bongga ang GMA 7 ha. Merong appreciation gift ang management at meron din ang PR group na pinangungunahan ni Angel Javier.

Talagang ipinapakita nila na na-appreciate nila ang tulong ng showbiz writers at friends ng GMA 7. Gusto ko rin ‘yung desk calendar nila na mga taga-News ang nasa photos. Giving importance talaga sa News team ng Kapuso Networks. ‘Yung PR nina Angel at Marian Antonio, talagang commendable dahil talagang approachable sila at madaling lapitan ‘pag meron kang kailangang information sa GMA 7. Kahit ang Artists Center madaling kausap kaya naman at home ang feeling mo sa kanila. Thank you for the importance na binibigay n’yo sa amin.

vuukle comment

GODFATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with