^

Pang Movies

Direk Brillante, puro hubaran ang pinagkakaabalahan, mga baguhan plaster lang ang tinatakip sa private parts!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang tapang na nga ng mga pelikulang napapanood ngayon sa Vivamax.

Puwet kung puwet, at minsan ay pa-frontal pa at nasisilipan pa ang mga bidang artista.

Pati plaster na itinatakip sa private part ng artista ay nakikita na rin at hindi na ito nalilinis.

Siyempre dagdag pa sa budget kung lilinisin pa ito.

Super tipid na ang mga ginagawang pelikula na nagagawa lang ng pito o less pa na shooting days.

Pati nga si direk Brillante Mendoza ay nakiuso na rin, lalo na’t siya ngayon ang isa sa paboritong direktor ng Viva Films para sa mga pelikulang ipinapalabas nila sa Vivamax.

Palabas na ngayon sa Vivamax ang pelikulang Palitan ni direk Brillante at talagang umaatikabo ang erotic scenes.

Game na game ang mga artistang inilunsad ng Viva kagaya nina Cara Gonzales, Jela Cuenca at Rash Flores.

Kasama rin nila rito ang Kapuso actor na si Luis Hontiveros na walang keber sa ilang eksenang nasa-sight na ang pagkalalaki niya.

Ito na nga ang madalas na napapanood ngayon sa ganitong streaming platform, at asahang marami pang kasunod.

Bukod dito sa Palitan ay natapos na rin ni direk Brillante ang iba pang pelikulang pang-Vivamax kagaya ng Sisid nina Paolo Gumabao, Vince Rillon, Kylie Verzosa at Christine Bermas, at iyong Bahay na Pula nina Julia Barretto, Marco Gumabao at Xian Lim.

Binigyan naman si direk Brillante ng Viva ng kalayaang gawin ang gusto niyang gawin sa mga pelikulang ginagawa niya.

“Kahit naman sinong direktor, sino ba ang hindi masisiyahan kapag ibinigay talaga sa ‘yo ‘yung full creative freedom, ‘no?” napapangiting pakli ni direk Brillante sa nakaraang press preview ng pelikula niyang Palitan.

“Hindi naman lahat ng producers, ganun. So, sa Viva, pumayag sila sa ideas ko, saka kung paano ko magagawa ‘yung tatlong pelikulang ‘yun… Hindi naman sabay-sabay, one after another. Everything was well planned, at saka kumbaga, hindi naman basta ginawa lang namin, ‘no?

“Unang-una, iba-iba ‘yung mga writer ko. Tapos, pinaghandaan talaga namin ito. Kumbaga, buung-buo na namin ang konsepto bago kami sumabak.  Pinagtuunan talaga namin sila. Binigyan ng atensyon. Natapos namin ‘yung tatlong project na matiwasay. Walang nagkasakit. Masaya kami lahat,” sabi pa ni direk Brillante Mendoza.

Direk Jun at Perci, namatayan din ng aso

Marami sa mga taga-showbiz ang nagulat at nalungkot sa hiwalayan nina direk Jun Lana at direk Perci Intalan.

Si direk Jun ang nag-post sa kanyang Twitter account para kumpirmahin ang kanilang hiwalayan.

At nai-post din ni direk Perci nung Sabado ng gabi ay pagpanaw ng kanilang asong si Melbourne.

Nagpalit siya ng profile picture kasama ang aso niyang si Melbourne. Pero napansin ko hindi pa niya binago ang relationship na kung saan nakasaad pa roong married siya kay direk Jun nung Oct. 14, 2013.

Nakakalungkot lang na pagkatapos nilang maghiwalay, namatayan pa sila ng aso. Isa ako sa umaasang magkakaayos pa sila at sana magkabalikan.

vuukle comment

BRILLANTE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with