^

Pang Movies

Julio, laya na!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Julio, laya na!

Alam mo, Salve A., isang kasamahan sa panulat ang nagpaabot ng balita sa inyong lingkod na nakalaya na umano ang veteran actor na si Julio Diaz who just turned 63 last Nov. 18. Kung ito’y totoo, maraming mga kasamahan niya sa industriya ang natutuwa sa kanyang paglaya.

Matagal-tagal ding panahong nakulong si Julio matapos itong maaresto nung April 2018 na may kinalaman sa droga, two years matapos siyang mabigyan ng pangalalawang pagkakataon sa kanyang buhay matapos siyang sumailalim ng successful operation na may kinalaman sa kanyang brain aneurysm in April 2016.

Kung totoong laya na si Julio, sana’y huwag na nitong balikan ang kanyang masamang bisyo na kanyang pinagdusahan sa loob ng kulungan sa loob ng mahigit tatlong taon.

Malaki ang naitulong kay Julio ng actor-director na si Coco Martin pero hindi pa sigurado kung ito muli ang magbibigay ng panibagong pagkakataon sa napariwarang actor.

Now in his 60s, dapat lamang siguro na tuluyan nang magbago si Julio.

Bianca, sa Australia na naka-base

Sa Sydney, Australia na naka-base ngayon ang dating Kapuso actress at vlogger na si Bianca King kasama ang kanyang husband na si Ralph Wintle.  Si Ralph ay kapatid ng husband ng aktres na si Iza Calzado na si Ben Wintle.

Sina Bianca at husband niyang si Ralph ay ikinasal last June 2021 sa living room ng kanilang bahay sa Sydney.
 

vuukle comment

JULIO DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with