^

Pang Movies

Korte pinanigan ang mga sinehan vs. Indie films!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Binutata ng korte sa pamamagitan ni QC-RTC Judge Edgar Dalmacio Santos, ang kagustuhan ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) na pakialaman ang exhibition ng mga pelikula sa mga sinehan. Inalmahan ng mga may-ari ng sinehan na bumubuo sa CEAP ang utos ni FDCP Chair Liza Diño, na diretsahang pumapabor sa mga pelikulang indie na hindi halos makakuha ng playdate sa mga sinehan, dahil hindi nga kumikita.

Sa utos ni Diño, sinasabi niyang hindi pinapayagan ang split screening o ang paghahati ng mga pelikula sa mga sinehan sa unang tatlong araw. Iginigiit din niyang ang isang pelikula ay dapat manatili sa sinehan ng pitong araw, kung hindi pagmumultahin nila ang mga sinehan.

Ang tanong naman ng mga sinehan, papaano kung hindi kumikita ang pelikula ninyo, kami ba ang dapat malugi? Isipin ninyo, magkano ang kur­yente na binabayaran ng sinehan sa loob ng isang araw dahil lamang sa aircon? Magkano ang puwes­tong inuukupahan ng isang sinehan sa isang araw, lalo na nga’t nasa mall? Magkano ang pasuweldo sa mga tauhan ng sinehan? Eh kung manonood lang ng indie ninyo ay pitong tao kada screening, aba eh suicide iyan para sa mga may-ari ng sine kaya natural pumalag sila.

Iyan ay problema lang naman ng mga indie, dahil ang talagang pelikulang Pilipino na sikat ang artista, mahusay ang pagkakagawa at pinuhunanan ng lehitimong producers ay kumikita at walang problema sa mga sinehan.

Maski nga sa MMFF (Metro Manila Film Festival), nakikita naman natin naghihingalo ang mga indie. Halimbawa, nangyari minsan. Nagkakagulo nga sa mga sinehan na naglalabas ng pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto. Marami pa ang nakapila para manood, hindi puwede. Putok na sa tao ang sinehan.
Ngayon, may isang sinehan sa pareho ring mall, pitong beses nang pinatugtog ang Lupang Hinirang, hindi masimulan ang pelikula dahil walang pumapasok para manood. Ano ang gagawin mo, pababayaan mo bang sarado at malugi ang isang sinehan kahit na may magagawa kang paraan? Tingnan ninyo  ang MMFF sa Disyembre na puro indie, sampung araw iyan. Magkano ang palagay n’yong kikitain?

Hindi mo mapipilit ang tao. Kahit na walang palabas sa mga sinehan kundi indie, hindi pa rin manonood ang mga ayaw niyan. Manonood na lang sila sa TV, libre pa.

Pero tapos na iyan ngayon, dahil sinabi nga ni Judge Edgar Dalmacio na walang kapangyarihan ang FDCP na pakialaman kung anong pelikula ang ipapalabas sa sinehan. Isa pa, ilang buwan na lang naman ang administrasyong Duterte, eh co-terminus naman sa presidente ang mga nasa FDCP.

Baguhang matinee idol, nasapak ng male model na hinipuan

Nagkita at nagkakilala ang isang baguhang matinee idol kuno, at isang sikat at poging male model sa isang gym. Madalas kasi silang nagkakasabay. Minsan patapos na ang male model, at tumuloy sa shower room, nagulat siya nang biglang sumunod ang matinee idol kuno, at pinanonood siya habang nagsa-shower. Hindi raw iyon pinansin ng model, dedma na lang siya.

Pero nagulat siya nang lapitan siya ng baguhang matinee idol na hindi na yata nakapagpagpigil at hinipuan na siya. Hindi na iyon pinalampas ng poging model, nasapak niya si matinee idol. Hindi naman daw umangal ang matinee idol nang sapakin niya, umiyak daw iyon at ang sabi pa sa kanya, “ang damot mo naman.”

Iyong model naman, nag-report sa management sa ginawa ng matinee idol, kaya si matinee idol banned na sa nasabing gym.

SINEHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with