^

Pang Movies

Joel Cruz, nabiktima ng mga nagpapanggap

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Joel Cruz, nabiktima ng mga nagpapanggap

Natuwa naman ako nang malaman ko na ayos na iyong problema ni Joel Cruz ng Aficionado tungkol sa mga gumagamit ng pangalan niya para manghingi ng donations.

Sabi ng PR niyang si Roy Redondo, talaga raw na-upset si Joel dahil ang daming tumawag at nagtatanong kung ano ang problema niya dahil nga may mga tao na nagsasabi na kailangan niya ng tulong financially.

Hindi naman sa pagyayabang pero isa sa pinaka-successful na businessman natin today si Joel na talagang amazing ang biglang paglago ng kanyang perfume business na Aficionado in such a short time.

Hanggang ngayon byword pa rin ang naturang perfume among teens and the low income group na mas gusto pa ang Aficionado kesa imported na brand.

Kaya huwag maniwala agad pag meron mga taong ginagamit ang pangalan ng kilalang celebrities dahil usually, nanloloko ang mga ito.

Dating promdi, pilipino na

Naku si Ronnie Ong pala na dati ay nominee ng Ang Probinsiyano ay iba na niri-represent na partylist ngayon, ang AP o Ako’y Pilipino. Ang curious ako, bakit si Coco Martin at Ronnie pa rin ang magkasama kahit wala na sa Probinsiyano si Ronnie.

So ibig sabihin iyon suporta ni Sen. Grace Poe na kay Ronnie Ong pa rin?

Parang naguluhan ako. But honestly, sa showbiz, unang naka-penetrate si Ronnie kaya nga mas kilala siya ng showbiz at mas at home sa kanya.

In fairness din, mukha naman nagri-reach out si Cong. Alfred de los Santos sa mga writer at showbiz personalities. Pero dahil nga mas unang nakilala ng lahat si Cong. Ronnie kaya siyempre mas may edge siya.

Unforgettable sa akin na lagi ko siyang nakikita na dumadalaw sa Crame nung nandun sila Bong Revilla at Jinggoy Estrada. At iyon madalas din niyang out of the blue na pagbati sa amin nila Ricky Lo (nung nabubuhay pa ito). Iyon hindi niya paglimot pag may mga special na okasyon kaya naman natuwa kami ng manalo siya as partylist congressman noong nakaraang eleksyon.

Anyway, hindi na namin pipilitin pang malaman, basta kung anuman ang dahilan, like a true gentleman tiyak na hindi magsasalita si Ronnie kung bakit wala na siya sa AP at Ako’y Pilipino na.

vuukle comment

JOEL CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with