^

Pang Movies

Diego, lumabas ang pagiging protective father sa sampal de gulat kay Claire

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi naitago ni Diego Castro ang pagiging protective father niya nang mapanood niya ang matinding eksena ng kanyang anak na si Claire Castro sa GMA teleserye na Nagbabagang Luha.

Pagkatapos sampalin ng limang beses ni Glaiza de Castro, sinakal pa ni Rayver Cruz si Claire. Ang matindi sa lahat ay ang sampal de gulat ni Gina Alajar kay Claire na ikinagulat ng lahat sa eksena.

Bukod sa sampal, sinamahan pa ito ni Gina ng sabunot, pagkaladkad at nginudngod pa ang mukha ni Claire sa cake. Kinuha pa ni Gina ang isang vase at binuhos ang lamang tubig kay Claire.

Pinost ni Diego sa social media ang eksena at nilagyan niya ng caption na: “Affected daddy ako @clairecastro Sorry sa comment bro Rayver... hehe.. Don’t worry, na censor ko ibang comments.  listen nalang.”

Na-realize ni Diego na kailangang gawin ni Gina iyon para lumabas ang husay ni Claire sa eksena. Artista na nga pala ang anak niya at kailangan maranasan ni Claire ang mga gano’ng pangyayari sa eksena para mas lalo siyang gumaling.

Nagpasalamat si Diego sa mga pumuri sa acting ni Claire at pinasalamatan din niya si Gina Alajar at sinabi pa niyang: “Iba talaga mga icons!”

Saviour, pangarap na malagpasan ang amang si Wendell

Bata pa lang daw ang bagong Kapuso hunk na si Saviour Ramos ay ‘di na sikreto sa kanya na sikat na artista ang daddy niyang si Wendell Ramos.

Kaya sanay daw siyang may nagsasabi na “Uy, tatay mo pala si Wendell Ramos?”

Sinasama raw kasi si Saviour ng kanyang daddy sa taping ng Bubble Gang at tuwing pupunta sila sa mall, makikita niya ang malalaking poster ng daddy niya sa Bench.

Sa kagustuhan na masundan ang yapak ng kanyang ama, hindi raw nagpaalam si Saviour at ang sister niyang si Tanya noong mag-audition sila sa GMA Artists Center kung saan nakapirma na sila.

Sey ni Saviour: “Ang big dream ko po talaga is malagpasan ko po ’yong dad ko. Gusto ko pong makilala bilang drama actor po, hindi po sexy and comedian. And gusto ko pong maging motivation sa ibang tao.

“Lagi pong sinasabi ni daddy sa amin ng sister ko is, ‘Ang pagiging arista, hindi yan biro, lifestyle yan. Kailangan mong mas maging reponsable, mas maging focused everyday. ‘Pag naging artista ka, lahat ng ginagawa mo dapat pinag-iisipan mo.’

“Basta pa may role daw po, kahit small roles yan... kahit ayaw mo ’yong role, dapat daw ipasok mo ’yong puso mo doon kasi doon ka mas matututo, mapupuntahan mo ’yong success at mas gagaling ka doon.”

Bago pa naging GMAAC talent si Saviour, nasubukan na niyang umarte sa online drama anthology na Unlocked at sa BL series na Happenstance.

Madonna, nakakaintriga ang Docu

Nag-post si Madonna ng ilang nakakaintrigang photos sa social media para sa promotion ng kanyang Madam X documentary.

Sa isang photo, suot ng 63-year old singer ang isang all-black ensemble of  leather, lace and fishnets na may caption na: “Madame X is giving birth today. ……………. Help her push………….. #madamex streaming on @paramountplus.”

May mga kuha rin siya na suot ay long black gloves, a crucifix necklace, black leather skirt and bustier, red tights with black heels and fishnet stockings.

Suot ni Madonna ang naturang outfit noong mag-guest ito sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon. Pinakita ng singer na maalindog pa rin siya habang suot ang sexy leather dress.

Unang ni-release ni Madonna ang Madam X studio album noong 2019.

Naunang pinalabas sa MTV in the UK ang Madame X documentary at ngayon ay available na ito sa Paramount+.

vuukle comment

DIEGO CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with