^

Pang Movies

Dating sexy star na si Pia Moran, nananawagan kay Coco

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dating sexy star na si Pia Moran, nananawagan kay Coco

Ang original Miss Body Language, ang dancer-actress na si Pia Moran ay nananawagan sa actor-director na si Coco Martin na sana’y mabigyan din umano siya ng chance na mapasama sa top-rating and longest-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano now on its 6th year.

Aware kasi si Pia na marami nang inactive actors ang nabigyan ng trabaho ni Coco sa pamamagitan ng kanyang serye na siya mismo ang pangunahing bida at isa sa mga director.

Matagal-tagal nang jobless ang 59-year-old dancer-actress na unang sumikat sa pamamagitan ng pagsasayaw sa awiting Body Language ni Blake Shelton. Ang nasabing hit song ay tumatak kay Pia hanggang sa tagurian siyang Miss Body Language noong dekada-otsenta.

Si Pia ay na-discover ng kanyang unang manager na si Ricci Ang (of Ricci’s Kitchen) habang itong nagsasayaw sa Taxco Club. Nagsimula muna siya sa iba’t ibang live guestings sa telebisyon na kanyang sinimulan sa Seeing Stars with Joe Qurino, ang popular late night show noon ng yumaong journalist-host na si Joe Quirino on IBC-13. Mula sa Seeing Stars with Joe Quirino kung saan siya naging regular guest dancer, naging in-demand din siya sa iba’t ibang programa sa telebisyon including Superstar ni Nora Aunor, Student Canteen, Discorama, Big Ike’s Happening hanggang Eat Bulaga.

Ang pagiging mahusay na dancer ni Pia ang naging daan niya para kunin siyang leading lady ng action stars at comedians tulad nina Ramon Revilla, Sr., Rudy Fernandez, Chiquito, Redford White at iba pa.

Nakagawa rin siya ng maraming pelikula at TV series.

Nung kasagsagan ng popularity ni Pia ay nakapagpatayo siya noon ng isang club sa may P. Tuazon in Quezon City na ginamit niyang outlet sa training ng kanyang talents na kanyang ipinadala noon sa Japan kung saan malaki ang kanyang kinikita noon.

When she was at her peak, naging kasintahan niya ang sexy actor na si Greggy Liwag at tumagal din ng tatlong taon ang kanilang naging relasyon. Pero iba ang nakatuluyan ng actor, ang dating beauty queen na si Cita Capuyon.

Nagkaroon rin sila ng relasyon ng yuamong si Eddie Fernandez matapos itong makalaya sa kulungan at nang ito’y magbalik-showbiz. Pero nang malaman ni Pia na involved ito sa drugs ay siya na umano ang lumayo dahil matagal na umano niyang tinalikuran ang drugs na ayaw na niyang balikan.

“Six months din ako na rehab noon dahil sa drugs,” pag-amin pa ni Pia na personal naming dinayo sa bahay ng kanyang nakababatang kapatid in Quezon City.

Hindi ikinakaila ng dancer-actress na sobra umano niyang nami-miss ang showbiz at gusto niyang bumalik sa trabaho.

LJ, ine-enjoy ang NY

Life goes on para sa Kapuso actress na si LJ Reyes matapos muling dumaan sa krisis ang kanyang buhay sanhi ng recent breakup nila ng kanyang partner of six years, ang kapwa niya Kapuso actor na si Paolo Contis, ama ng kanyang more than two-year-old daughter na si Summer Ayana.

Nasa New York City, USA ngayon si LJ kasama ang kanyang dalawang anak.  At habang siya’y nasa New York ay ine-enjoy ng aktres ang kanyang buhay doon. Nagkaroon siya ng fashion pictorial doon at nakapag-attend siya ng New York Fashion Week na first time niyang ginawa.

vuukle comment

PIA MORAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with