^

Pang Movies

Ex ni Ynez na si Rep. Mangudadatu, ikinasal sa beauty queen

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ex ni Ynez na si Rep. Mangudadatu, ikinasal sa beauty queen

Ikinasal kahapon ng umaga ang ama ng 10-year-old eldest daughter ng dating sexy star na si Ynez Veneracion na si Princess Keilah del Rosario na si Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu (53) ng 2nd district ng Maguindanao sa 2018 Miss Asia Pacific na si Sharifa Akeel (24) na ginanap sa Ar Nor Hotel & Convention Center sa Cotabato City.

Isa namang masayang pagbati ang ipinaabot ni Ynez sa bagong mag-asawa.

Nagkahiwalay man sina Ynez at Congressman Toto ay napanatili naman ng dalawa ang pagiging magkaibigan lalo pa’t meron silang anak na si Keilah. In fairness naman daw sa kongresista, hindi ito nagpapabaya ng responsibilidad sa kanilang anak ni Ynez.

Sa isang panayam, inamin ng aktres na inalok din umano siya noon ng kasal gobernador pero siya na rin ang umayaw dahil magiging pang-apat na asawa. Nung sila pa umano ng kongresista, nakatanggap pa umano siya ng pagbabanta sa ikatlong asawa ng kanyang dating karelasyon.

Si Ynez ay may bagong karelasyon ngayon, ang 27-year-old non-showbiz guy na si Julius Recto at meron na rin silang isang anak, ang bagong silang noong August 4, 2021 na si Jianna Kyler. Although nag-alok din ng kasal kay Ynez si Julius, ang aktres din ang umayaw dahil mas gusto niyang magsama muna sila nang lubos nilang makilala ang isa’t isa. Pagdating ng araw na sila pa rin ay saka lamang daw siya papayag na sila’y magpakasal.

Fourteen years man ang kanilang age gap, hindi umano ito isyu sa kanilang dalawa dahil nakikita naman ni Ynez ang pagiging seryoso sa buhay ng kanyang partner na si Julius lalo na nang magkaroon sila ng supling.

Sofia at Daniel, ‘di pa pinaplano ang kasal

Kapamilya actress at isa sa stars ng La Vida Lena na si Sofia Andres turned 23 last August 24 at isang huge fresh flower arrangement ang kanyang natanggap mula sa kanyang partner at ama ng kanilang more than one-year old daughter na si Zoe Natalia na si Daniel Miranda (24) isang kilalang international car racer at nagmula sa kilalang pamilya ng mga Lhuillier ng Cebu.

Isinilang ni Sofia si Zoe noong November 24, 2019 sa Australia kung saan dati nag-aaral ni Daniel. Nang lumabas si Zoe, nagdesisyon sina Daniel at Sofia na bumalik ng Pilipinas noong December of same year.

Although matagal-tagal na rin ang relasyon nina Sofia at Daniel, wala pa rin sa immediate plans ng dalawa ang pagpapakasal kahit malapit nang mag-two years old ang kanilang anak na si Zoe.

vuukle comment

YNEZ VENERACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with