^

Pang Movies

Ynez, mala-legal wives ang relasyon sa congressman noon!

Gorgy Rula - Pang-masa
Ynez, mala-legal wives ang relasyon sa congressman noon!

MANILA, Philippines — Mala-Legal Wives pala ang drama ni Ynez Veneracion nung karelasyon pa niya ang Congressman ng Maguindanao na si Toto Mangudadatu.

Nakatsikahan namin sa DZRH si Ynez noong nakaraang Biyernes ng gabi at inamin niyang niyaya pala siyang pakasalan ni Cong. Toto Mangudadatu, nung nabuntis siya nito sampung taon na ang nakaraan.

Hindi lang daw siya sure kung magiging pang-apat o panglimang asawa siya. Pero sinabihan na raw siya ng naturang Congressman na magpakasal na sila.

“Pang-apat yata ako nun, kasi ‘yung una namatay ‘di ba? Tapos may pangalawa, may pangatlo.

“Nung una gusto niya pakasal. ‘Yun nga ang sabi ko dati na huwag na kasi baka mamaya hindi naman pala siya ‘di ba? Oo lang ako nang oo dati, pero hindi ko ginagawa. Niloloko ko siya dati, sabi ko ‘saan tayo magpapakasal? Kahit saan, pakasal tayo, pakasal tayo. Hindi ko naman ginawa. O kita mo, naghiwalay din kami, ‘yun ang sinasabi ko,” kuwento ni Ynez.

Okay pa rin naman daw sila dahil hindi naman daw nagkulang si Cong. Toto sa responsibilidad nito sa kanilang anak.

Pero malaking surprise sa kanya na sa edad na 40 ay nabuntis pa siya sa kasalukuyang non-showbiz boyfriend na si Julius Recto na 27 years old pa lang.

Two years pa lang daw ang kanilang relasyon at nagli-live in sila ngayon. Nanganak daw siya via caesarian operation tatlong linggo na ang nakakaraan, kaya nagpapagaling pa raw siya ngayon ng tahi.

Isang baby girl ang iniluwal niya na pinangalanan niyang si Jianna Kyler. Gusto raw sana niya ay boy, pero girl daw ang ibinigay sa kanya ng Panginoon at masaya siya lalo na’t ang ganda ng kanyang anak.

Malaki raw ang nabago sa kanilang relasyon nang magkaroon na sila ng baby. “Nung una siyempre adjustment period, lalo na nung first year namin. Siyempre, palagi kami nag-aaway. Ngayong duma­ting na ang baby, nag-improve… malaki naman ang improvement.

“Dati almost every other day nag-aaway kami. Ngayon, once a month na lang. Saka ‘yung mga maliliit na bagay na lang, mga sumpung sumpong na lang,” pakli ni Ynez.

Pero hindi pa raw nila napapag-usapan ang kasal. Okay lang naman daw kay Ynez ito dahil naniniwala siyang mas mabuting magsama muna sila bago nila pagdesisyunang magpakasal. “Siyempre kasi…’yung kasal kasi papel lang naman ‘yan eh. Mas importante ‘yung magsasama muna kayo para mas makilala n’yo ang isa’t isa. Siyempre, paano kung magpakasal kayo ngayon, tapos ang ending two to three years maghihiwalay din kayo ‘di ba? So, sayang lang ‘yung pang-annulment, mahal saka ang tagal,” pahayag ni Ynez.

FDCP Chair Liza, pursigido sa PPP 2021

Tila pursigido ang FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra na sa mga sinehan na gagawin ang Pista ng Pelikulang Pilipino.

Balak nilang gawin ito sa November at may sapat na panahon pa naman silang mapaghandaan ito.

Nagpadala ng proposal si Madam Liza sa IATF na gagawin nila sa mga sinehan ang PPP ngayong taon.

“Last week, the FDCP presented the proposal to the IATF para gamitin ang Pista ng Pelikulang Pilipino as a pilot event para magbukas ang ating mga sinehan.

“Unang-una it’s a government film festival. Pangalawa, may partnership tayo sa iba’t ibang agencies at saka sa mga stakeholders natin para ma-make sure na ang mga protocols ay masusunod, and number three, Filipino films first.

“Kumbaga, kung magbubukas tayo ng mga pelikula, sana Filipino films muna ‘yung unahin,” saad ng FDCP Chairperson Liza Diño.

Balak daw sana nilang gawin ito ng isang buwan dahil limitado lang kasi ang papapasuking tao sa mga sinehan.

Kailangang sundin daw ang restrictions na dapat bakunado na ang mga papasok sa sinehan.

At least makikita na raw kung puwedeng ito na rin ang gagawin sa Metro Manila Film Festival.

“Kung sa November, which we are proposing na magawa natin for an entire month na magawa ‘yung bagong pelikula na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino, puwede siyang maging prelude.

“Kasi alam naman natin na ang Metro Manila Film Festival ay talagang mas malaki,” dagdag niyang pahayag.

Natanggap naman daw nila ang sagot mula sa IATF kamakailan lang.

“Very open sila. Natuwa sila na merong willing mag-take ng initiative na kami po ‘yung ano… sagot po namin talaga ‘yung making sure na malinaw, kasi ‘yun talaga ang kailangan eh. Malinaw ‘yung proseso.

“Ang dissemination ng information sa public, klaro para we can engage ang lahat na mga stakehol­ders na involved para sumunod,” sabi pa ni Madam Liza.

Kung matutuloy ito, kailangan lang daw talaga ng malawakang campaign para alam ng publiko kung ano ang mga dapat gawin at aware sila sa safety protocols at restrictions na ipinapatupad.

YNEZ VENERACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with