^

Pang Movies

Mother Lily, inaasahang matatanggap ang best birthday gift!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mother Lily, inaasahang matatanggap ang best birthday gift!
Lolit at Mother Lily

Magbi-birthday na si Mother Lily Monteverde. Sana maging best gift niya ngayon ang ma-nominate siya bilang National Artist.

Walang tatalo sa sacrifice na ibinigay ni Mother Lily sa showbiz. ‘Yung oras at pagmamahal niya sa Philippine cinema, ‘yung halos kalahati ng mga sumikat na stars sa kanya dumaan, ‘yung pag-uumpisa niya ng pito-pito na ngayon ay tinatawag ng indie film.

Wala pa sigurong producer na naging kasing hands-on ni Mother Lily. Jack of all trades siya, biruan na nga na pati catering, siya na rin ang gumagawa.

Si Mother Lily bale ang parang godmother namin, talagang ang laki ng tinatanaw naming utang na loob sa kanya. Halos lahat ng naipundar ko sa buhay nagsimula mula sa kinita ko na talent fee mula sa Regal Films. ‘Yung down payment ng bahay, kotse, ‘yung unang sakay sa eroplano at barko, lahat iyon merong share si Mother Lily.  Siguro ‘yung pagiging bukas-kamay, sa kanya rin namin namana, nakita namin kung paano na gusto niyang tumulong kahit papaano, at ipatikim kung ano man ang maganda sa lahat, nakita namin ‘yung pay forward attitude mula sa kanya.

For so many stories about her, kahit ‘yung urban legends na umiikot sa showbiz, isang bagay ang hindi puwedeng kalimutan, ‘yung pagiging kind-hearted niya.

We are so happy na hanggang ngayon, active and healthy si Mother Lily. We will be forever grateful and thankful sa lahat ng nagawa niya para sa amin, para sa marami.

We wish her the ultimate happiness she wants, at kung ‘di man siya maging National Artist, para sa amin, siya pa rin ang Lady Santa ng buhay namin.

Advance happy birthday, Mother Lily, tunay na nanay ka para sa marami mong mga anak sa showbiz.

vuukle comment

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with