^

Pang Movies

Masamang panahon, pinagdurusahan ng mga nasa shooting at taping

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Gloomy weather pa rin hanggang kahapon ng umaga.

Parang talagang ayaw ng panahon na lumabas ng bahay ang tao, dapat stay home lang lahat.

Dapat naman dahil bukod sa ulan meron pang Delta variant na sinasabing mas mabilis makahawa.

Pero ang tibay talaga ng loob ng mga Pilipino, ok lang lahat, kahit pa nga ­medyo talagang hirap na ang buhay. Katuwaan na lang na para bang bukas, mag-iiba na naman ang eksena, kaya konting tiis lang.

Ang ganda nga ng attitude ng lahat na wala naman talagang magagawa na, kaya tanggapin na lang natin kung anuman dumarating.

Iba talaga ang Pilipino, kinakaya lahat ng pagsubok.

Kaya nga tignan mo, happy smile pa rin ang nakikita mo sa mga mukha ng tao, kahit nga lubog sa baha ang bahay nila.

Basta pagdating sa hirap, kinakaya natin lahat.

Isa pang siguradong affected ng bagyo at walang tigil na ulan ang mga shooting ng iilang ginagawang pelikula o taping ng teleserye. Tulad ng I Left My Heart in Sorsogon nina Paolo Contis, Richard Yap at Heart Evangelista. Ang hirap tiyak na kumilos dahil nga sa basa ang mga daan, malakas ang tikatik ng ulan, at paano ka magse-set up sa labas kung tuluy-tuloy ang ulan.

Malaki rin perwisyo iyon delay kaya tataas na naman cost of production.

Sunud-sunod talaga ang hirap ng production na hindi pa rin nakakabawi dahil nga sa hindi pa bukas ang mga sinehan, at iyon sinasabi na bumaba ang viewership sa TV dahil sa iba’t ibang platforms na ginagamit na ngayon.

Talagang dapat ang isang aggressive at drastic step para mabalik ang dating sigla ng showbiz. Kung patuloy ang mga ganitong pangyayari na disappointing para sa mga producer, baka mahirapan lalo sa pagbangon. 

TAPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with