^

Pang Movies

Titillating star na si Ynez ­Veneracion, buntis sa edad na 40

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Titillating star na si Ynez ­Veneracion, buntis sa edad na 40
Ynez

Literal na talbog ng da­ting sexy star na si Ynez Veneracion ang mga kapanabayan niya noon.

Imagine at her age, 40 years old, preggy uli siya.

At all over social media ang maternity shoot nito kahapon na may ala-Darna ang concept.

“My very first maternity photo shoot. I really can’t wait to meet our new addition to the fam in just 4 weeks!

“I would like to thank our dear Lord for sending me this little Angel & also the people who supported me on this journey.

“Bryan Recto for always being there & for takin GOOD care of me.

 “I have mixed emotions and  Im  humbly asking a little prayer for my safety delivery. Thank u guys in advance & God bless us all!,” bahagi ng post ng sexy star na nagkapangalan sa mga pelikulang titillating tulad ng Masarap, Masakit ang Magmahal, Selda 14 : Mga Babaeng Makasalanan, Dalhin Mo Ako Sa Langit at marami pang iba.

A little older ang bagong kasal na si Ara Mina, 42, kaya malaki talaga ang chance na mabuntis din siya agad.

Pagkatapos kay Kylie?! Aljur, nagpa-daring kay Cindy!

Hindi natanong kahapon si Aljur Abrenica tungkol sa isiniwalat ni Robin Padilla na hiwalay na sila ng misis niyang si Kylie Padilla na third party ang dahilan.

Humarap nga sa media conference kahapon ng digital movie na Nerisa si Aljur na sinasabing isa sa pinaka-sexy at daring na pelikula ng 2021 na tampok si Cindy Miranda bilang si Adan.

 Excited si Cindy sa pelikulang ito, at handa na niyang patunayan na hindi lang ganda ang meron siya, kundi pati rin talento sa pag-arte.

Ganundin si Aljur na aminadong challenging ang naging role.

“There are times na mabilis lang, may mga challenging, may mga eksena na humihingi ako ng time para... tama ba ‘yung sagot ko. May mga time na humihingi ako ng oras bago simulan ‘yung eksena and open naman sila kung paano ‘yung atake kasi si Direk Lau (Fajardo), para rin siyang aktor ginagawa niya muna yung scene, bibigay niya ‘yung misyon tapos he will give you the freedom kung pano mo ide-deliver so ‘yun yung isa sa mga nakatulong sa akin and there are scenes na matagal ako,” pag-amin ng aktor.

At kung matapang ang character ni Nerisa, ganundin daw siya, ayon kay Aljur.

Anyway, alamin ang katotohanan sa likod ng misteryong nababalot sa pagkatao ni Nerisa sa July 30, sa global premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, and TFC IPTV sa halagang P249 at sa Vivamax.

vuukle comment

YNEZ VENERACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with