Star system sa Thailand, iba sa Pilipinas
Nakausap ko si Joyce Ramirez, at ngayon ko naintindihan iyong issue ng Mario Maurer at Kakai Bautista. Well, kahit ano pa sigurong sabihin, parang one-sided talaga ang issue dahil nga nabigyan na agad ng finality ng public. Iyon bang marami ang siyempre kampi kay Kakai dahil kababayan natin at babae, pero kung magiging fair ka naman, makikita mo rin iyon side ni Mario Maurer.
Iba siyempre ang kultura ng star system bawat bansa, iba ang higpit ng Korea, iba rin sa Thailand.
Ibang-iba rin ang kultura ng stardom at publicity natin.
Nakakaawa rin na parang heto, nagulantang na lang si Mario Maurer na nasa gitna siya ng controversy.
Pero siyempre nga, wala rin siya magawa, risk ng pagiging sikat.
Mabuti na lang at kinuha siya ng telco company, pumunta uli sa Pilipinas, at heto pa si Rabiya Mateo na nagsasabi na favorite niya si Mario Maurer.
Maganda ang sagot ni Mario, mukhang very gentleman naman kaya natabunan na ang issue ni Kakai. Forget na natin, basta kung ano kultura nila, huwag tayong lumagpas sa linya.
Huwag bigyan kulay ang hindi dapat kulayan.
Saka dapat, titingin lagi sa salamin para sa reality check.
Huwag mag-ilusyon nang sobra. Dapat tama lang. Kung day dream, dream lang, huwag isiping totoo. Iyon lang.
- Latest