^

Pang Movies

Nanay ni Heaven, naghamon sa pandadawit na third party ang anak sa Devon-Kiko breakup

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nagbanta ang mother ni Heaven Peralejo na magdedemanda kapag hindi nag-public apology ang sinabi niyang nagpakalat ng tsismis at idinawit ang anak sa breakup nina Devon Seron at Kiko Estrada.

May portion sa kanyang tweet na dinepensahan si Heaven sa isyu at sabi, “As a mother, I simply cannot allow this. If it will mean bringing this matter to court in order for these culprits to publicy apologize and admit to their fault, then so be it.”

Kasama rin sa tweet ng mom ni Heaven na nag-effort sila to reach out at nag-demand na itigil ang pagpapakalat sa malicious acts daw. Pero, hindi siya kinausap pati na rin si Heaven at ang masakit pa, patuloy na sinisiraan ang anak.

In fairness kay Mrs. Peralejo, wala siyang binanggit na pangalan ng kung sinuman ang nasa likod ng paninirang ito kay Heaven at pagdawit sa breakup nina Devon at Kiko. Wala ring binanggit si Devon kung sino ang nahuli niya at ang naalala namin, mas matapang pa sa kanyang post ang kanyang kapatid.

Yasser, hindi nailang kay Alex

Excited ang Kapuso viewers sa unang BL series na mapapanood sa GTV, ang My Fantastic Pag-ibig: Fairy Tail Romance tampok sina Yasser Marta at Alex Diaz na isang Kapamilya talent. Bale ba, two-part and romance-fantasy tampok ang romantic relationship ng isang sireno at mortal, kaya hindi mabibitin ang viewers.

Sa isang interview, pinuri ni Alex ang leading man niyang si Yasser dahil professional at kahit sa intimate scenes nila, hindi niya nakitaan at naramdamang nailang sa kanya at sa kanilang mga eksena.

Kahapon umere ang first part ng My Fairy Tail Romance at sa March 20, ang second part.

Gerald, pang-matanda ang bati kay Julia

Nakakatuwa ang netizens, disappointed sila sa walang karoma-romansa raw na birthday message ni Gerald Anderson sa GF niyang si Julia Barretto. Ang generic na “Happy birthday” lang kasi ang nabasa nilang greetings ng aktor.

Sabi ng netizens, wala man lang “I love you” eh, ‘yung birthday greetings nga naman ni Julia kay Ge­rald, tinawag siyang “My love” at binanggit pang proud siya sa boyfriend.

Comment ng netizens, sana nilagyan man lang ni Gerald ng something romantic ang kanyang greetings. Nahalata raw tuloy na hindi siya nag-effort, kaya para sa netizens, walang kuwenta ang greetings ni Gerald kay Julia.

May nag-comment pang nakakatawa ang message ni Gerald, parang sa ama para sa anak. Dahil lang doon, may mga nagsabing, hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa. Hirit naman ng isa, kaya raw siguro hindi sweet ang message ni Gerald kay Julia dahil na rin sa edad, older daw kasi si Gerald.

Kakai, relate sa pagiging yaya

Nakakatawang kontrabida ang role ni Kakai Bautista sa First Yaya bilang si Pepita, ang mayordoma sa palasyo ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) na hate si Melody (Sanya Lopez).

On cam lang naman mataray kay Sanya si Kakai dahil off cam, close ang buong cast at parang matagal nang magkakaibigan at nagkakatrabaho. Kapag walang taping, busy sila sa pagti-TikTok at kuwentuhan.

Samantala, may appreciation post si Kakai sa mga kasambahay, role na ginagampanan nila nina Sanya at Cacai Cortez. “Para sa lahat ng kasambahay sa buong Pilipinas. Paano na ba ang aming tahanan ‘pag wala kayo? Salamat sa inyo. Sana’y mapasaya namin kayo sa pamamagitan ng show na ito.”

vuukle comment

DEVON SERON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with