Lovely at Benj, dalawang beses ang engagement
Engaged for the second time si Lovely Abella sa kanyang fiance na si Benj Manalo. Muling nag-propose si Benj kay Lovely noong pagpasok ng taong 2021.
Unang na-engage ang dalawa noong June 2019.
“For 2nd time around I got engaged at nag-propose na din si Benj sa anak ko para maging anak na din niya. Ang sarap sa pakiramdam na okay na ang lahat in God’s perfect time. Nak, pangako ko na wala kang kahati, ikaw lang forever @crishakaye_
“Babe @benj salamat sa lahat ng pagmamahal, madami mang pinagdaanan pero alam nating sila ang mapapagod sa atin, cheers babe and good job sa atin,” post ni Lovely sa IG.
Post naman ni Benj: “Thank you 2020! Maraming salamat sa lahat! Sa buhay, sa pag mamahal Lord! Higit sa lahat, salamat dahil papasok ang 2021 na mapapakasalan ko ang dalawang importanteng babae sa buhay ko, I got engaged again to my partner @lovelyabella_ and my daughter @crishakaye_ dun palang sobrang happy na ako papasok ng 2021!”
Mga pelikulang Pilipino, pasok sa 20 Best ASEAN Films
Kahit nagkaroon ng pandemic sa nakaraang taon, hindi naging hadlang ito na gumawa pa rin ng mga magagandang pelikula ang ating bansa.
Nakasama sa 20 Best ASEAN Films ang pitong critically-acclaimed Filipino films na humakot na ng ilang local at international awards.
Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay regional intergovernmental organization comprising of 10 countries in Southeast Asia, namely Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, Vietnam.
“Evidently, the Philippines are at least a step ahead of the rest of the ASEAN countries in that regard, which is the reason so many films from the country are included in the list,” ayon pa sa ASEAN.
Kabilang ang mga pelikulang Mindanao ni Brillante Mendoza; Genus, Pan ni Lav Diaz, Orphea ni Alexander Kluge and Khavn de la Cruz; A Thousand Cuts ni Ramona S. Diaz; John Denver Trending ni Arden Rod Condez; Edward ni Thop Nazareno; at Aswang ni Alyx Ayn Arumpac na napasama sa Best ASEAN Films.
Mariah, aminadong hindi alam ang Auld Lang Syne
Maraming netizens ang natawa sa pinost ni Mariah Carey na video sa social media habang inaawit nito ang Auld Lang Syne bilang pagsalubong niya sa 2021.
Pero inamin ng diva na hindi niya kabisado ang lyrics ng naturang song. “I don’t know how it goes… and I never could pronounce it properly,” sey ni Mariah sa video.
Dagdag pa niya: “I love you! Happy New Year! Let’s hope for better, better days, in 2021 and beyond.”
Maraming netizens ang nagturo kay Mariah kung paano i-pronounce ang Auld Lang Syne. ‘Yung iba ay pinadalhan ng lyrics si Mariah.
Auld Lang Syne ay mula sa 1788 Scots poem by Robert Burns set to the tune of a traditional folk song. The phrase “for auld lang syne” means “for (the sake of) old times” na inaawit ng marami sa pagpasok ng Bagong Taon.
- Latest