^

Pang Movies

Ex 2NE1 member na si Minzy, binigyan ng tips ni Sandara

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Nasa bansa ang Korean pop sensation at dating miyembro ng popular K-Pop all-girl group na 2NE1 na si Gong Min-ji na mas kilala sa kanyang screen na Minzy (26) kung saan din naging member si Sandara Park na unang nakilala sa Pilipinas.

At last November 13 ay lumagda si Minzy ng management contract with Viva Artists Agency (VAA) para mamamahala sa kanyang career sa Pilipinas.  Noon namang November 20 ay ni-launch ng Viva Records ang kanyang debut single (sa Pilipinas), ang Tagalog version ng kanyang single sa Korea na siya mismo ang nagsulat, ang Lovely na available na sa iba’t ibang digital platform.

Hindi ikinakaila ni Minzy na excited umano siya sa kanyang career sa Pilipinas sa tulong ng Viva.  Gusto umano niyang makipag-collaborate sa mga Filipino artists at kasama na rito ang pop superstar na si Sarah Geronimo at ang dance princess na si Ella Cruz na parehong nasa bakuran ng Viva.  Narinig na rin ni Minzy ang Tala ni Sarah G. at gustung-gusto umano niya ito.

Bukas din umano siya na pasukin ang larangan ng acting. 

Since si Sandara (Dara sa Korea) ay nagsimula ang career sa Pilipinas kung saan siya unang sumikat, kabaliktaran naman ang gagawin ni Minzy na binigyan ng tips ni Sandara tungkol sa showbiz career in the Philippines, ang kultura maging ang pagiging warm, friendly and hospitable ng mga Pinoy.

Ang 2NE1 ay nabuo noong 2009 at si Minzy ang youngest member being only 15 pero siya rin ang dahilan kung bakit nabuwag ang grupo in 2006 nang siya’y kumalas sa grupo para mag-solo.

Edu, nakaabang na sa magiging apo

Marami ang hindi nakakaalam na si Edu Manzano ay naging personal assistant dati ng veteran singer na ngayon na si Basil Valdez. Ito’y tumagal din ng dalawang taon at kalahati.

Naging writer din si Edu ng programang Ariel con Tina nina Ariel Ureta at Tina Revilla sa dating BBC2 ng Broadcast City at doon nagsimula ang aksidente niyang pagkakapasok sa showbiz.

Unang pelikula ni Edu ang Romansa in 1979 pero siya’y ni-launch bilang lead actor sa pelikulang Alaga in 1980 na produced and directed ng fashion designer na si Christian Espiritu.

In 1986, nagsimula si Edu sa pagiging isang talk show show sa kanyang programang Not So Late Night with Edu sa ABS-CBN at kasunod na rito ang kanyang pagiging host ng ilang game show programs tulad ng Pilipinas: Game KNB?

Dahil sa kanyang dalawang two failed marriages (Vilma Santos and Maricel Soriano), hindi na nag-asawang muli ang 65-year-old na si Edu na nakatuon ang attention ngayon sa kanyang three grown-up children na sina Luis Manzano (sa kanyang unang misis na si Vi) at sina Addie at Enzo (sa kanyang ex-girlfriend na si Rina Samson), na pawang mga tapos na sa kanilang pag-aaral. 

Luis is turning 40 on April 21 next year pero hanggang ngayon ay wala pa itong plano na lumagay sa tahimik considering na matagal-tagal na rin ang relasyon nila ng kanyang kasintahang aktres na si Jessy Mendiola. “Naghihintay lang ako,” ani Edu na halatang gusto na ring magkaroon ng sariling apo.

K-POP ICON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with