^

Pang Movies

Apo ni Dolphy, todo tanggol kay Tekla

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagulat kami sa inilabas na statement ni Rowell Quizon, apo siya ng comedy king na si Mang Dolphy at anak ng actor din noong araw na si Freddie Quizon. Singer din kasi si Rowell at nagpe-perform sa mga comedy bar.

Sinabi niyang nakasama niya si Tekla noon bilang performer sa Klownz. Inakusahan niya ang live in partner ni Tekla na si Michelle Bana-ag na isang lesbian, at diumano ay may ‘jowang  babae’ na isinasama pa sa Klownz kung may performance si Tekla, ganoon din ang iba pa nilang mga barkada kung saan sila nag-iinuman, at si Tekla ang nagbabayad ng lahat ng iyon.

Sinabi niyang nakita niya kung anong abuso ang ginagawa ni Michelle, na pinapayagan naman ni Tekla “dahil mahal ka niya.” Sinabi rin niyang hindi siya naniniwalang “ginugutom” iyon ni Tekla.

Nagsalita rin ang isang Marlon Limpin, na nagpakilalang manager ng Klownz. Naloko rin daw siya ni Michelle nang gamit ang cell phone ni Tekla ay nangutang iyon ng P20,000. Sinabi rin ni Limpin na ginawan din nang ganoon ni Michelle maging ang mga komedyanteng si Boobay, Donita Nose at ang manager mismo ni Tekla.

May inilabas pa silang picture kung saan ang buong pamilya ni Michelle ay kumakain sa isang restaurant na kasama si Tekla. Lahat daw ng mga iyon ay nakatira kay Tekla, walang trabaho, umaasa lamang sa kinikita ng komedyante.

May inilabas pa silang picture noong condo unit daw ni Tekla, kung saan nakatira rin ang buong pamilya ni Michelle na ni walang naglilinis, at lahat ay naglalaro lamang ng ML. Sinasabi na lang nilang lahat na “walang magawa si Tekla dahil mahal ka niya.”

Ang tanong, sino ngayon ang nagmukhang “tokwa” matapos na lumabas lahat ng ito?

Guwapo at talentadong male star, sustentado ng bakla

Pogi si male star. Magaling na artista at magaling ding dancer. Maganda rin naman ang kanyang girlfriend. Malas nga lang dahil kahit na magaling siya at poging-pogi naman, hindi sumisipa ang kanyang career. Pero madatung siya.

Alagang-alaga naman pala siya ng kanyang gay lover, na sa tingin naman namin ay ginagawa dahil mahirap na talagang makahanap ng kagaya ng male star na mabait pa. Hindi nga lang niya mai-display si male star dahil artista iyon at may syota pang artista rin. Isa pa, hindi rin naman puwedeng lumantad ang gay dahil sa kanyang posisyon sa lipunan.

vuukle comment

TEKLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with