^

Pang Movies

Bela, hinintay munang mag-negative sa swab bago idinisplay ang boyfriend na foreigner!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bela, hinintay munang mag-negative sa swab bago idinisplay ang boyfriend na foreigner!

Masayang-masaya ang friends and followers ni Bella Padilla sa kanyang post kasama ang guy na literal palang nakilala niya sa St. Gallen (town sa Switzerland) nang gawin nila ni Carlo Aquino ang pelikulang Meet Me In St. Gallen two years ago.

Sa kanyang mga post ay parang natagpuan na nga niya ang bagong pag-ibig habang nasa Cappadocia - si Norman Ben Bay. 

 “I waited till my swab test result came back negative before posting anything. And I didn’t think I’d leave the country at all this year, but life really has to start moving again.
“As seen in this photo, my head is still up in the clouds in Cappadocia. I’m really super thankful that my job takes me to places I’ve never been before or never thought I’d go to...because honestly, I’m not one to go to touristy places, so Cappadocia was low on my list of places to visit. But now, I consider it one of my safe havens.
“Cappadocia is so beautiful and charming. They have great food and wine and even better people. I luckily got to meet some of the best ones! Their street animals are kind and calm, a great testament to how their treated. And the view is just beautiful from any point. (My peripherals haven’t been as blessed as they have in the last two weeks.) I love everything about this trip so so much. So I’ll slowly share what I went through in Cappadocia. by @nocir,” ang buong post ng actress habang nakatingin sa langit.

At sinundan na niya ng post na “The one I met in St. Gallen by @orciborci”

Napa-’OMG’ and ‘finally’ ang iba niyang ­followers and friends.

“Yup” naman ang sagot ni Bela sa mga nag­ta­tanong kung nakilala nga niya ito sa St. Gallen.

Nagpapasalamat din si Bela sa mga maligaya para sa kanya. “kamsahamnidaaaa” in Korean. Kilalang ­K-­drama fanatic ang magaling na actress.

Obviously, pati ang mga kaibigan niya ay hindi agad sinabihan ni Bela ng tungkol sa nasabing guy dahil nagso-sorry siya sa ibang nag-comment sa kanyang post at nag-congratulate.

Matagal nang walang karelasyon si Bela after Neil Arce na ikakasal na kay Angel Locsin.

Channel 11, naging A2Z

Kumpirmado na ang A2Z Channel 11.

Kahapon ay naglabas na ng official statement ang ABS-CBN.

“Gumagawa ang ABS-CBN ng mga palabas para sa iba’t ibang kumpanya, plataporma, at manonood sa loob at labas ng bansa.

“Simula Sabado (Oktubre 10), mapapanood na ang mga programa at pelikula ng ABS-CBN sa bagong A2Z channel 11 bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network Inc.

“Mapapanood ang A2Z channel 11 sa Metro Manila at mga malalapit na probinsya.

“Magtutulungan ang ABS-CBN at Zoe para mag­hatid ng entertainment, public service programs, at educational shows sa publiko,” ang buong pahayag ng network na hindi man napagkalooban ng franchise ng Kongreso matapos ang mahabang debate sa kanilang franchise renewal, balik-free TV sila.

Matagal nang pinag-uusapan ang tungkol dito.

Magpakailanman, may bagong episodes 

May handog na bagong episodes ngayong buong buwan ng Oktubre ang real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.  

Limang bagong episodes ang inihanda at nai-tape sa ilalim ng striktong health and safety protocols sa set.

 Nitong nakaraang Sabado ay napanood sina Shaira Diaz, Yayo Aguila, Luis Hontiveros, at Anthony Rosaldo sa fresh episode na pinamagatang Viral Frontliner: The Lorraine Pingol Story.

Ngayong Sabado (October 10), bibida naman sina Bea Binene at Martin del Rosario sa episode na The Lockdown Wife. Kuwento ito ng isang battered wife na nagawa pang ikulong ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay ng ilang buwan.

vuukle comment

BELLA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with