^

Pang Movies

Mga nagreklamo na nalugi sa concert, inalok ng refund ng team ni Gary V

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mga nagreklamo na nalugi sa concert, inalok ng refund ng team ni Gary V
Gary Valenciano
STAR/File

Ahhh sumagot na si Gary Valenciano at kanyang talent management group, Manila Genesis, sa mga umeeme na nalugi siya sa first night ng One More Time concert ni Mr. Pure Energy noong Dec.20, kung saan naka-nine songs lang si Gary V., dahil nagkaroon siya ng dehydration na gustuhin man niyang tapusin ang kanyang concert ay hindi na kaya ng katawang lupa niya.

Kinailangan na niyang isugod sa hospital dahil nagsusuka na siya at nanghihina.

First time nangyari ‘yun sa kanyang concert na karaniwang mataas ang energy sa kabila ng kanyang karamdaman. At ito raw talaga ay hindi na kaya na katawan ni Gary. Kaya ang daming eme eme na nalugi sila dahil bumawi sa second night si Mr. Pure Energy.

At ayaw tumigil ng mga ibang nalugi raw.

Kaya naman naglabas na ng statement si Gary V.:

“We would like to apologize to all who attended Day 1 of Gary V. Pure Energy: One More Time held on December 20 at Smart Araneta Coliseum. Your trust and support matter to us and we regret to hear that some of you felt disappointed, or shortchanged.

“The decision to cut the concert short was not made lightly. This is the first time it has ever happened in @garyvalenciano’s decades-long career. Gary has always given his all in every performance, and the December 20th incident was a shock to all of us. Our bodies can only take so much, and so we made the decision to put his health first.

“We understand and respect that many of you were disappointed with the concert not meeting your expectations. If you feel you did not get the concert value you paid for and wish to request a partial refund, please reach out to us directly at [email protected] as we are currently discussing the mechanics with the Ticketnet management.

“All email inquiries regarding this matter will be processed from JAN 2- JAN 31, 2025, Monday thru Friday from 10AM-5PM.

“Wishing you and your families a blessed year ahead.

“Sincerely, Team Gary V / Manila Genesis”

Sa totoo lang, loyal fans naman sila ni Gary V., hindi na siguro sila eeme ng refund lalo na at hindi naman ‘yun ginusto, hindi lang kinaya ng katawang lupa niya.

Uninvited, nadagdagan ang sinehan

“Laban lang,” ang statement ni Bryan Dy ng Mentorque Productions na Best Float lang ang nakuha sa ginanap na #MMFF50 Gabi ng Parangal.

Dagdag pa niya, “ganun lang talaga ang buhay.”

Pero bongga rin naman dahil nadagdagan pala sila ng sinehan. Sa kasalukuyan ay meron na silang 129 theaters at sold-out ang mga screening.

Sana nga ay dumami pa ang sumugod sa mga sinehan lalo na at holiday ngayong araw, Rizal Day.

Beauty Queen / actress, malapit nang maging legit ang relasyon sa Senador

Confirmed na isang senador ang jowa ng former beauty queen and actress.

Pero bawal pa silang mag-display ng relasyon.

May inaayos pa diumano ang senador.

Pero konting panahon na lang daw ang hihintayin ng beauty queen / actress at magiging legit na ang pagmamahalan nila ng senador.

Sa ngayon, unofficial pa ang kanilang relasyon.

Pinoy fans, naapektuhan sa sumabog na Jeju Air

Grabe, bumagsak ang Jeju Air 737-800 matapos ma-overrun ang runway sa Muan International Airport, South Korea.

Nawasak daw ito nang bumangga sa perimeter wall na makikita sa mga kumalat na video na nagliyab at nagkawatak-watak.

Ang aksidente umano ay sanhi ng malfunction ng landing gear, sinabi ng mga opisyal, dahil sa mga pumasok na ibon.

Hindi raw bababa sa 167 katao ang namatay na sinabi ng mga awtoridad. Galing ang eroplano sa Bangkok.

At apektado rito ang Pinoy fans ng K-dramas.

Ruru, interesado na rin sa pagpo-produce

Malaking bagay sa mga entry ng ginaganap na #MMFF50 ang mga nagaganap na block screening.

At isa sa mga sumuporta sa pamamagitan ng block screening ang celebrity entrepreneur na si Rhea Tan na nag-organize and sponsored a block screening ng Green Bones at SM Telebastagan in San Fernando, Pampanga.

Dinaluhan ito ng lead stars ng pelikula na sina Dennis Trillo and Ruru Madrid (Beautéderm endorser).

At grabe ang iyak sa pelikula ni Ms. Rei. Makikita ngang lumuluha siya habang nanonood ng MMFF Best Picture na nagpanalo rin ng Best Actor and Best Supporting actor for Dennis and Ruru respectively. “This is one of the most beautiful films I have seen in years. The actors did a wonderful job. This is the type of movie that the entire family should watch,” sabi pa ng batang President and CEO ng Beautederm Corporation.

Dagdag pa niya : “Every MMFF, I commit to hosting a block screening of my endorsers’ film entries. It’s also my way of supporting the film industry, and it allows the entire Beautéderm team to bond over movies.”

Bukod sa Green Bones, mag-i-sponsor din siya ng block screenings of The Kingdom, Espantaho, Topakk, and Hold Me Close bilang suporta endorsers niyang sina Piolo Pascual, Lorna Tolentino, Arjo Atayde, Sylvia Sanchez, and Carlo Aquino.

Samantala, inamin ni Ruru na nag-inspire na rin siyang makipag-co-produce tulad ng kumpanya nina Dennis at misis nitong si Jennylyn Mercado (Brightburns) na co-producer sa Green Bones. “Well, ever since naman kasi I guess parang bagong model na sa generation po ngayon, na parang ‘yung mga actor they are producing their own films so that at least mas mababantayan mo rin ‘yung mga project na ginagawa mo, ano ‘yung mga ilalagay dito, ano ‘yung ganyan. I guess, at this point in time, it’s a matter of collaboration, na dapat lahat may boses. So, hindi lang basta kung producer ka, director ka, artista o sino man, dapat may boses ka,” sabi ni Ruru nang makausap namin sa special screening ng award winning movie nila noong bago ginanap ang Gabi ng Parangal.

So, mga kelan ‘yan? “Hopefully, after this film. Sana po magkaroon po tayo ng oportunidad. Sobrang na-inspire ako kay kuya Dennis dahil nakapag-produce ng ganito kaganda at dekalibreng pelikula. So yeah, hopefully soon po.”

Nauna na ring sinabi ni Dennis na hindi siya aniya umasa na mananalo siya ng Best Actor.

“Parang for me kasi nung ginawa ko po itong project na ito, hindi naman po para sa goal na dapat manalo ako o kung ano man. In-offer sa ‘kin itong project na ito, malinaw sa akin na it’s an art film. Hindi po siya the usual sa mga ginagawa ko na teleserye dahil dito parang, you know mapasama lang sa team, from the writers, producers, director, co-actor, parang isang karangalan na. So, saan man po ako malagay, malagay man ako o hindi wala pong problema as long as mapanood po ito ng mga tao.”

GARY VALENCIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with