^

Pang Movies

Buhay ni Alfredo Lim, apat na beses naging pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Noong Sabado ng mga alas-5:40 ng hapon, sinasabing yumao si dating Manila Mayor Alfredo Lim sa Manila Doctors’ Hospital. Siya ay 90,  dahil sa pneumonia na sanhi ng COVID-19 infection.

Si Mayor Fred Lim ang isang pulitiko na masasabing may malaking kinalaman sa pelikulang Pilipino.

Una, siya iyong lumaban bilang mayor sa dalawang sikat na actor, si dating Presidente Erap at ang kasalukuyang Yorme Isko Moreno.

Si Mayor Lim din ang masasabing “pulis na may pinakamaraming pelikulang nagawa na batay sa kanyang buhay.”

Ni hindi pa nagiging hepe ng Manila Police si Mayor Lim nang igawa ng pelikula ang kanyang buhay, ang Alfredo Lim, Sa Kamay ng Ibabaw, na ang bida ay si Rudy Fernandez noong 1997.

Nauna nang ginawa noong 1990, ni Ramon Revilla Sr. ang pelikulang Target Police General, the Major General Alfredo Lim Story. Noong 1995 ginawa naman ang pelikulang Alfredo Lim, Batas ng Maynila na ang bida ay si Eddie Garcia, at noong 2013 ginawa naman ang Alfredo Lim, The Untold Story na ang bida ay si Cesar Montano.

Naging artista rin sa pelikula si Mayor Lim. Ginampanan niya ang role bilang siya mismo sa pelikulang Bobby Barbers, Parak noong 1997.

Naging television host din siya sa seryeng Katapat na inilabas sa ABS-CBN Channel 2. Sa ABS-CBN nagkaroon din siya ng isang regular daily program sa dzMM, ang Pasada 630 na kung saan nakasama naman niya si Kaye Dacer.

Pero siguro nga ang mahirap makalimutang ginawa ni Mayor Lim sa mundo ng pelikula ay noong bigla siyang tumayo sa stage nang ginaganap noong 1995 gabi ng parangal ng Manila Film Festival. Pinigil niya ang paglalabasan ng mga tao dahil katatapos lamang ng awarding ceremonies, at siya mismo ang gumawa ng announcement na nagkaroon nga ng iregularidad. Mali ang mga nai-announce na nanalo.

Nasundan iyon ng isang napakahabang imbestigasyon na isinagawa ng city council ng Maynila, hanggang sa nakarating nga sa piskalya at sa korte. Sinasabing ang nangyaring iyon ang naging dahilan kaya naudlot ang career nina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez.

Pero sa usapan nga, ang controversy ay hindi rin naman nakatulong para mai­angat ang career ng mga nanalo.

Marami ring naging kontrobersiyal na desisyon si Mayor Lim noong siya pa ang mayor ng Maynila.

Nakilala namin si Mayor Lim noong siya ay hepe pa lamang ng presinto sa Maynila, noong panahong nagsisimula rin kami bilang police reporter sa isang diyaryo noong araw. Kontrobersiyal si mayor, pero lahat ng mga nakakilala sa kanya, maging ang kanyang mga nakalaban sa pulitika ay nagsasabing siya ay isang magaling na pulis at magaling na mayor din naman ng pangunahing lungsod ng bansa.

Umabot siya hanggang senado, nabigo nga lang na maging presidente ng Pilipinas na inambisyon din naman niya,

Nakikiisa kami sa bayang nakikiramay sa pagyao ni Mayor Alfredo Lim.

ALFREDO LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with