^

Pang Movies

Bryan nakikisimpatiya kay Daryl

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Si Bryan Termulo ay isang singer na nagsimula sa ABS-CBN. Kahit na nga sabihing marami na rin naman siyang naikutang recording companies, mas kilala pa rin siyang ABS-CBN talent. Hindi namin malaman kung may sama rin siya ng loob sa network, o may kung anong karanasan kaya niya sinasabing “totoo lang naman” ang sinasabi ni Daryl Ong. Si Daryl ay isa ring talent na sa ngayon ay sinasabing banned na rin sa ABS-CBN dahil sa isang “nai-record” nilang pag-uusap ni Bugoy Drilon kung saan sinabi niyang “malabong umabot sa isang milyon” ang petisyon para sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Isa lang daw iyong simpleng kuwentuhan habang nasa isang out of town show, kung saan napag-usapan nga ang nasabing petition for renewal. Nakapagbigay sila ng opinion, at makalipas lang ang ilang oras nakarating na iyon sa network dahil ang usapan pala ay nai-record ng isang kaharap nila na hindi nila alam, “kaibigan ng isa sa mga boss” sa ABS-CBN. Ang naging palagay daw naman ng network ay wala silang utang na loob sa network na tumulong sa kanila, kaya banned na sila. Tanggap naman nila ang nangyaring iyon, at ngayon ok naman sa kanila na nagiging guests sila sa ibang shows sa ibang networks.

“Kung alam lang ninyo ang naging experience ko,” sabi naman ni Bryan Termulo. Iyan ang hindi namin alam kung bakit nakakapagsalita siya nang ganyan.

May isa pang singer na talagang harapang kumokontra sa ABS-CBN, si Jimmy Bondoc. Ang akala namin noong una, ang sentimiyento lang ni Jimmy ay dahil supporter siya ni Presidente Digong, pero lumalabas noong bandang huli na may sama siya ng loob sa network dahil sa ilang executives noon. Mukhang dumadami na sila.

Ex ni Angel nilantad ang panganay na anak

Ano kaya ang naiisip ni Angel Locsin ngayong buung-buong pagmamalaking ipinakikita sa publiko ng ex boyfriend niya noong si Phil Younghusband ang anak na si Phillip James? Matagal din ang naging relasyon nina Angel at Phil, hindi maikakailang nakatulong iyon sa kanilang dalawa dahil pinalawak ang kanilang audience pareho, pero nag-split sila. Binalikan ni Angel si Luis Manzano, matapos na makipag-split naman iyon kay Jennylyn Mercado.

Hindi naman nagtagal, naging syota ni Phil si Margaret Hall, nagpakasal sila at ngayon nga ay may anak nang lalaki, si Phillip James. Si Angel, may syota naman, ang producer na si Neil Arce, pero mukhang malabo pa silang magpakasal.

Aktor sagana sa ayuda ng tabachingching na government official

Madalas daw na “magkasama” ngayon ang isang poging male star at isang matabang official. Kilala namang closet gay ang official, at nakilala niya ang poging male star “through a friend.” Ok naman daw kay poging male star, dahil humihingi siya ng tulong kay tabachingching para ma-solusyonan ang isang family concern. May problema kasi ang tatay niya.

Hindi namin alam kung kaya ngang “ilaban o ilakad” ni tabachingching ang problema ng tatay ng poging male star, pero at the same time, “sagana naman siya sa support” mula kay tabachingching, kasi wala naman siyang projects ngayon dahil sa lockdown, at least may natatanggap siyang “ayuda.”

vuukle comment

BRYAN TERMULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with