^

Pang Movies

Luane 24-hours lang sa hospital!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tumagal lamang ng 24 hours si Unang Hirit host Luane Dy sa hospital after niyang isilang ang first born nila ng husband niyang si Kapuso actor Carlo Gonzales.  Kahit by caesarean delivery si Luane, ay malakas naman siya, pinayagan na siya ng OB Gyne niya na lumabas na rin ng hospital, after 24 hours, kasama na ang baby nilang si Jose Christiano. Ipinahayag ito ni Carlo sa isang online interview at proud daddy raw siya sa kanilang baby boy.  “We stayed in the hospital for 24 hours lang. We opted to go home right away dahil ayaw rin naming i-take yung risk na naroon kami sa hospital. Mas comfortable na kami ngayon sa bahay. Ang saya, thankful.”

Mabilis daw namang nakaka-recover si Luane. At since naka-lockdown pa rin tayo, at wala pa silang trabaho, magkatulong daw sila sa pag-aalaga kay Jose Christiano. Soon ay malamang magbalik-taping na si Carlo ng Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun ng GMA-7.

Kilalang animal advocate si Kapuso actress Carla Abellana at kabilang siya sa online fundraising exhibit na Likha ng street artist na si Venzair Martinez.  Isa sa portrait na ginawa niya ay kay Carla na mapapansin ang iba’t ibang aso na nakapalibot dito, ay ipinapa-auction nila ngayon.

Nag-post si Carla sa kanyang Instagram na open for auction mula June 1 to June 14 ang kanyang portrait.  Lahat ng malilikom na pondo mula sa Likha exhibit ng Kulture Studio ay mapupunta sa stray animals na sinusuportahan ng Pawssion Project Foundation at para sa ating magigiting na frontliners sa tulong ng Aid For Frontliners.

Tiyak na matutuwa ang mga sumusubaybay ng rerun ng primetime series na My Husband’s Lover nina Carla, Tom Rodriguez at Dennis Trillo, na pansamantalang nahinto, pero simula bukas, June 7 and every Sunday, mapapanood na ito muli sa GMA 7.

LUANE DY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with